“GUSTO kong mapaniwala si Julia na ginawa ko ang pinatatrabaho niya, Sam kaya gusto ko sanang hingin ang permiso mo na makapagpakuha ako ng picture kasama si Aya. Kung papayagan mo ako, tapos na ang problema…’’
“Kung pumayag ako at nakapagpakuha ka ng picture kay Aya, ano ang kasunod.â€
“Tapos na Sam. Maaa-ring ibigay ni Julia ang “bayad†sa akin. Iyon ang pangako niya.’’
“Sa palagay mo, tutupad siya sa usapan?â€
“Ke tumupad siya o hindi wala namang mawawala sa akin. Kung tumupad, mas okey. Tutal naman gusto ko talaga siya. Hindi na siya makakatanggi kapag nakuha ko na ang “bayadâ€. Pakakasalan ko naman siya, Sam. Noon pa kasi, malakas na ang pang-akit sa akin ni Julia. Hindi nga lang ako kasing suwerte mo dahil patay na patay siya sa ‘yo.’’
“Ano ang sinabi niya sa iyo tungkol sa akin?â€
“Wala siyang gaanong sinabi. Hindi nga niya naÂbanggit na nagrerebyu ka pala at kukuha ng Board Exam.’’
“Yun lang. Wala nang iba?â€
“Bakit meron pa bang iba, Sam?â€
Sinabi ni Sam na muntik na silang magtalik ni Julia pero hindi natuloy. Tinukso kasi siya ni Julia.
“Pero ipinangako ko sa sarili ko, hindi na mauulit yun. Ayaw kong may pagsisihan at isa pa, mahal na mahal ko si Aya.’’
“Nakita ko nga ang pagsasama n’yo. Mahal n’yo ang isa’t isa.â€
“Malapit na nga kaming pakasal. Pagkatapos ng Board Exam, magpapa-kasal na kami. Nakaplano na lahat. Wala nang atra-san at walang makakapigil kahit pa si Julia.’’
“So talaga palang wala nang karapatan si Julia sa iyo. Ibig sabihin, sa akin siya.’’
“Palagay ko nga.’’
“E, Sam baka naman puwede mo na akong tulungan na makapag-pose kasama si Aya. Kunwari lang. Para maibigay ko kay Julia.’’
Nag-isip si Sam. Nakatitig kay George.
‘“Okey naniniwala na ako sa’yo.’’
“Salamat Sam.’’
“Pero huwag na nating sabihin kay Aya ang tu- nay na dahilan.â€
“Pero paano ako ma-kakapagpakuha ng pic-ture kay Aya.’’
“Akong bahala. Bukas, sumama ka sa akin sa condo. Ipakikilala kita kay Aya. Magkita tayo uli rito.’’
“Okey Sam. Salamat.â€
KINABUKASAN, nagkita uli sila sa restaurant. Pagkatapos, isinama ni Sam sa condo si George.
Ipinakilala niya kay Aya.
“Aya, si George, kaibigan ko.â€
(Itutuloy)