HINDI na mapigilan ang driver na si Jaime sa pagsasalita ukol kay Dr. Paolo del Cruz. Parang sinusiang manika na nagkuwento ukol kay Dr. Del Cruz.
‘‘Wala na si Dr. PaoÂlo na asawa ni Doktora. Nasa ibang bansa na. Nag-abroad na.’’
‘‘Matagal na?’’
‘‘Mga... teka, kailan ba yun? Mga apat na buwan na siguro ang nakararaan.’’
Lalo nang sinilihan si Sam. Ito na ang pinaka-hiÂhintay niya. Ito ang kinasasabikan niyang malaman.
“Saan sa abroad?’’ tanong niya.
‘‘Hindi ko matiyak kung saan. Parang sa Canada o Amerika yata. Basta alinman sa dalawang bansang iyan.’’’
“Ah siguro mag-aaral si Doktor ano? Kasi ang mga doktor laging naga-aaral ang mga yan.’’
Napatingin si Jaime kay Sam. Hindi nagsasalita. Para bang nag-aalangan kung sasabihin o hindi kay Sam ang nalalaman.
Pero kinakati rin siguro ang dila kaya nagsalita na rin.
“Ang alam ko, hindi mag-aaral.’’
“E ano?’’
“Doon na titira.’’
Gimbal si Sam. Siya ngaÂyon ang nahihiwaÂgaan. Pero patay-malisya pa rin ang pagtatanong niya para hindi makahaÂlata si Jaime.
“Ah siguro susunod na si Dra. Sophia sa kanya ano para doon na sila magsamang mag-asawa ano?’’
Napailing si Jaime.
“Hindi,’’ sabi nito.
“Anong hindi?’’
“Hiwalay na sila. May asawa nang iba si Dok Paolo.’’
Yanig si Sam. Mahirap paniwalaan pero bakit naman gagawa ng balita si Jaime ukol kay Dr. Paolo del Cruz.
“Sa atin-atin lang ito Sam, huwag mo nang ikukuwento sa iba at baka kumalat e kakahiya kay Doktora Sophia. Naaawa ako sa kanya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.’’
“Oo naman, Jaime. Tayo lang ang nakaaalam nito.
Hinalukay na ni Sam ang iba pang detalye.
“Doktora rin ang babae, Jaime?’’
“Hindi. Balita ko med rep daw na ubod ng ganda at batambata pa.’’
(Itutuloy)