“H’WAG na lang Sam. HaÂyaan na lang natin kung ayaw magpakita ni Papa sa akin. Huwag mo nang aksayain ang pagtatanong sa doktorang yun.’’
“Para lang malaman natin kung nasaan ang papa mo --- si Dr. Del Cruz. Hindi naman ako magpapakilala.’’
“Paanong gagawin mo?â€
“Akong bahala.’’
Natahimik si Aya. Naniniwala si Aya na kaya ni Sam na malaman kung nasaan ang kanyang papa.
“Nagtataka kasi ako kung bakit hindi na nagki-clinic si Doktor. At saka hindi na tayo binisita sa apartment sa Dapitan. Okey lang kung hindi siya nakadalaw sa burol ni Mama Brenda dahil pinagtapat naman niya sa akin noon na tutol ang asawa niyang doktora. Pero ngayong nakaÂharap ko ang asawa niya, parang hindi naman ito ganoon kasama. Mabait nga si Doktora. Nagtataka talaga ako, Aya…’’
“Hindi nga kaya hiwalay na sila?’’
“Yun nga ang naisip ko.’’
“At dahil hiwalay na, umalis na sa pagki-clinic sa ospital dahil pag-aari iyon ng biyenan niyang maÂyaman.’’
“Baka nambabae si Papa at natuklasan ng asawang doktora. Yun ang dahilan ng paghihiwalay.’’
“Posible. Kasi nga parang galit ang secretary nang sabihing hindi na nagki-clinic dun si Doctor. Para bang pinalayas…’’
Nalungkot ang mukha ni Aya. Pero nakapag-isip din agad nang sasabihin.
“Kung naghiwalay sila, dapat tinawagan ako at sinabing kukunin na ako. Di ba kung mahal niya ako bilang anak, maiisip niya ako sa ganoong sitwasyon.’’
“Kaso nga baka mayroon siyang ibang babae. Puwede ka bang kunin kung mayroon na siyang bago.’’
Nag-isip si Aya. Tama rin si Sam. Bago siya ang isipin ng ama, yun munang “kabit†niya.
“Tama na nga. Huwag na nating problemahin si Papa. May sarili na naman tayong buhay.’’
“Pero itutuloy ko ang pag-iimbestiga. Gusto kong malaman kung nasaan si Dr. Del Cruz.
MAKALIPAS ang ilang araw, palihim na nakaÂsubaybay si Sam kay Dra. Sophia del Cruz. Una niyang inalam ay kung ano ang sasakyan nito. NaÂlaman niya na isang Black Expedition. Nakita niya nang bumaba sa harap ng Medicine Bldg. May driver ito.
Biglang naisip ni Sam na ang driver ni Doktora ang dapat niyang makaÂusap. Ito ang dapat niyang maging kaibigan. HaÂhanapin niya kung saan ipinaparada ang sasakyan.
(Itutuloy)