PERO ayaw kumilos ni Brenda kahit na hinihila ni Aya. Nanatili sa pagkakaupo sa kama. Umiiyak. Si Janno naman ay tila naÂwalan ng malay sa pagkakapalo ni Aya o dahil lasing sa alak. Nanatiling nasa sulok at hindi kumikilos.
“Mama, ano bang nang yayari sa’yo? Delikado na ang buhay natin.â€
“Sige na Aya, ikaw na lang ang umalis. Pumunta ka kay Sam. Doon ka na muna sa kanya. Bahala na ako sa aking sarili. Bahala na kung ano ang mangyari.’’
“Hindi ako aalis hangÂga’t hindi ka kasama. Ba-ka patayin ka ng hayup na ‘yan.â€
“Umalis ka na Aya. Habang hindi pa nagkakamalay. Sige na anak, saka na lang tayo mag-usap.’’
“Mama hindi kita maiiwan. Papatayin ka niyan.â€
“Hindi! Ako nang bahala sa sarili ko.â€
Nang may maisip si Aya. Kailangan niya ang tulong ni Sam.
“Tatawagan ko si Sam!â€
Tinawagan niya.
“Sam, tulungan mo kami ni Mama. Nasa panganib kami. Nag-away kami ni Janno at nahampas ko sa mukha. Niyayaya ko si MaÂma na umalis pero ayaw. Mananatili raw siya rito. Pinaaalis na niya ako at diyan daw sa’yo tumuloy. Pero hindi ko maiiwan si Mama. Papatayin siya ni Janno. Sira na ang ulo nito. Kanina nga kung hindi ko nahampas ay baka kung ano ang ginawa sa akin. Baka napatay ako. Anong gagawin ko Sam.â€
“Sundin mo na si Mama Brenda. Umalis ka na at baka kung ano ang gawin sa’yo. May baril ang hayop na ‘yan di ba?â€
“Paano si Mama?â€
“Kaya naman niyang iligtas ang sarili. Sundin mo na siya.â€
“Oo Sam.’’
“Nasaan ang demon-yo, Aya?â€
“Nasa sulok at nawalan yata ng malay pero palagay ko dahil sa kalasingan.’’
“Samantalahin mo na habang walang malay. Tiyak na magwawala kaÂpag nakita ka. Umalis ka na, Aya!â€
“Oo, Sam! Aalis na ako.â€
Natapos ang usapan.
Agad niyakap ni Aya ang ina.
“Ma, babalikan kita rito.â€
“Sige na, umalis ka na.â€
(Itutuloy)