“SI Mama, binubugbog na naman ni Tito Janno!†Umiiyak si Aya habang sinasabi iyon kay Sam. “Anong gagawin natin, Sam?â€
“Halika!â€
Nagmamadali nilang tinungo ang silid nina Mama Brenda at Janno.
“Baka kung ano ang mangyari kay Mama. Baka maospital na naman siya!†Sabi ni Aya na halatang alalang-alala sa nangyayari sa kanyang ina.
“Paano mo nalamang ginugulpi si Mama BrendaÂ?â€
“Narinig ko ang laÂgabog sa kuwarto nila. Ganundin ang ingay ng bugbugin si Mama noon. Parang may phobia na ako sa ganoong ingay.â€
Nang malapit na sila sa kuwarto ay biglang bumukas. Maluwang ang pagkakabukas. Nakita nila si Mama Brenda na nakaupo sa kama. Umiiyak. Kasunod niyon ay ang paglabas ni Tito Janno. Nagmamadali.
Sinulyapan sina Sam at Aya. Matalim ang pagkakatingin sa kanila.
“Mga buwisit!†Sabi nito at nagpatuloy sa pag-alis.
Patda sina Sam at Aya. Nangibabaw sa kanila ang takot na baka sila ang pagbalingan nito. Hindi nila alam ang takbo ng utak ni Janno. Lasing ito.
“Mama!â€
Sigaw ni Aya makaraan ang ilang sandaling pagkapatda at mabilis na pumasok sa kuwarto. KaÂsunod si Sam.
“Mama! Ano na naman ang ginawa sa iyo ng hayup na ’yun?â€
Pero walang imik si Mama Brenda. Umiiyak. Namamaga ang pisngi at ang kamay. Halatang nakipagbuno ito sapagkat namumula ang braso.
“Mama, ano naman ito? Dadalhin ka namin sa ospital! May pasa ka sa pisngi!â€
Umiling si Mama Brenda.
“Mama, ano ka ba?’’
Tumingin lang si Mama Brenda kay Aya na parang sinasabing okey lang siya at huwag matakot.
Umiyak na lang si Aya. Hindi na niya makayanan ang ginagawa sa kanyang ina. Awang-awa siya sa ina.
“Patatawarin mo naman siya!†Tanong ni Aya. Inunahan na niya ang ina. Iyon ang nadarama niya.
Hindi sumagot si Mama Brenda. Nakatingin lang sa kawalan.
“Mama, hindi na ba matatapos ito?â€
Napabuntunghininga si Mama Brenda. Tumungo. Umiyak. Nayugyog ang balikat.
Nakatingin lang si Aya at Sam kay Mama. Hindi nila alam kung ano ang gagawin sa panibagong problema.
(Itutuloy)