“BALAK mo palang mag-doktor, Sam,†tanong ni Aya habang may ginagawa sa laptop. Hindi nakatingin kay Sam.
“Balak pa lang naman iyon, Aya.’’
“Siyempre kung ano ang pinaka-malapit sa puso mo at alam mong kaya mo, iyon ang kukunin mo.’’
“Baka mabago pa. Malay mo mag-abogado ako.’’
‘‘Bagay sa’yo ang abogado, Sam,†nakatingin na si Aya.
“Oww?â€
“Oo. Atty. Sam.’’
Nagtawa si Sam.
“Mas maganda yata Dr. Sam, he-he!â€
Napaismid si Aya.
“Bakit ka umismid?â€
Hindi sumagot.
“Bakit ka nga umismid?â€
“Naalala mo ang sinabi ni Mama kanina. Yung kapag doctor ka na sana ay huwag kang mapagmataas o kaya ay sinungaÂling. Naalala mo?â€
“Oo naman. Teka, sino ba yung sinasabi niya?â€
Tumingin si Aya sa laptop. Nanahimik.
“Sino nga yun, Aya?â€
“Papa ko.’’
Gulat si Sam.
“Papa mo?â€
Tumango si Aya.
“Doktor ang papa mo?â€
Tumango uli.
“Nagkita na kayo?â€
“Hindi. Ayaw ni Mama.’’
“Hindi mo pa alam ang itsura niya?â€
“Hindi. Ayaw ni Mama na makita ko. Basta ang sabi sa akin ni Mama, marami siyang sakit na naranasan sa Papa ko lalo na sa lola ko. Hindi raw niya malilimutan ang mga nangyari. Marami raw pinangako si Papa pero hindi tumupad. Hindi siya ipinaglaban. Hindi siya nito pinrotektahan. Ipinagbubuntis na niya ako noon. Hindi niya kaya ang pangmamata ng aking lola kaya umalis siya. Bahala na raw kung ano ang mangyari sa kanya. Hanggang sa ipanganak ako. Mag-isa akong binuhay ni Mama. Nagsalo pa nga raw tayo sa suso ni Mama…’’
Napatangu-tango si Sam. Kaya pala nakaismid si Aya nang malamang doctor ang kukunin ni Sam. Hindi maikakaila na may galit si Aya sa amang doctor. Kaya pala sinabi nito na bagay ang abogado kay Sam kaysa doctor.
Alam na niya ang bahagi ng buhay ni Aya.
KINABUKASAN, masama na naman ang loob ni Sam. Aalis na sina Aya at Mama Brenda. Pero nangako si Aya.
“Babalik ako rito, Sam. Promise.â€
“Sana nga, Aya.â€
(Itutuloy)