Alakdan (292)

“IKAW pala, Kreamy? Ikaw nga!”

Iyon ang nasabi ni Digol nang makita ang babaing kausap ni Pau sa bakuran.

“Kumusta, Kreamy?”

“Mabuti naman, Digol. Kilala mo pa ako?”

Lumapit si Digol at ki­namayan si Kreamy. Nakatingin si Pau na mangha dahil ang kausap pala niya ay si Kreamy na sinasabing may-ari ng bahay na kanilang tinitirahan.

“Oo naman, Kreamy. Hindi kita malilimutan.”

 Napangiti lang si Kreamy.

“Anak mo pala itong si Pau?”

“Oo.’’

“Mabait at matalino itong anak mo.”

“Salamat, Kreamy.’’

Nagsalita si Pau.

“Papa, papasukin natin si Mam Kreamy, mainit na ang sikat ng araw.”

“Ay oo nga pala! Halika Kreamy, halika!”

Pumasok sila sa loob.

Pagpasok ni Kreamy ay hangang-hanga siya sa bahay. Makintab ang sahig. Maayos na maayos ang salas. Sa tingin ni Kreamy ay wala kahit isang alikabok. Bago ang kurtina. Ang mga ilaw ay maliwanag na maliwanag kaya maaliwalas.

“Ang ganda ng bahay, Digol.’’

“Naalagaan namin ni Troy, Kreamy. Sinikap na­ming ma-preserve para matuwa ka. Si Troy lahat ang may ideya.”

Hindi makapagsalita  si Kreamy.

(Itutuloy)

 

Show comments