Alakdan(257)

“PINAG-USAPAN namin ni Dolfo kung ano ang ipapangalan sa aming anak. Sabi niya, kapag babae ay Mary Christmas at kung lalaki ay Jose Crisanto. Payag naman ako sa Jose Crisanto kapag lalaki pero kapag babae mas maganda kung Marie Christmas.

“Payag naman siya. Siya nga ang nag-suggest na Kreamy ang palayaw kay Marie Christmas at JC naman kay Joser Crisanto.’’

“Ah kaya ganun ang pa­ngalan ay dahil nga mala-pit nang mag-pasko,” sabi naman ni Troy.

“Oo. Kasi nga ilang araw na lang at Pasko na. Masaya na nga ang kapaligiran ng mga panahong iyon, marami nang nangangaro-ling at maliwanag na ang mga bahay dahil sa mga parol at Christmas lights.

“Hindi namin akalain na mismong December 25 ipapa-nganak si Kreamy. Talagang takang-taka ako sapagkat wala naman akong nararamdamang kakaiba. Ang akala ko mga lampas ng Pasko o bago pa mag-bagong taon ang delivery ko. Aba ay noong mga alas-onse ng gabi ng December 24, nakaramdam ako ng hilab. Pero hindi ko pa rin pinansin at akala ko ay karaniwang sakit lang ng tiyan. Pero nang gumuguhit na ang sakit at pagkatapos ay may lumabas sa aking tubig, saka ko napatuna-yang malapit na nga akong manganak…’’

“Si Mang Dolfo po nasaan?”

“Wala siya. Pero may usapan na kami. Alam na niya kung saang ospital ako hahanapin kapag nagpunta siya rito.’’

“So talaga palang solo kayong nagtungo sa ospital. Dahil nakahanda na ang mga gamit ko at yung kapitbahay naming taxi drayber ay nasabihan na namin, madali akong naisugod sa ospital. At alam mo kung  anong oras ipi­nanganak si Kreamy, eksaktong alas dose ng December 25. Napakagandang regalo sa akin ng Diyos. Isang malusog na sanggol na babae.

“Nakahinga ako nang maluwag matapos maipanganak si Kreamy, para bang nabunutan ako ng tinik. Isang napakagandang pangyayari ang naganap sa buhay ko.’’

“Kailan po nalaman ni Mang Dolfo na nanganak ka na?” tanong ni Troy.

“Kinabukasan, duma-ting siya. Tumakas lang daw siya. Yung asawa raw niya ay abala sa mga bisita nila…”

(Itutuloy)

 

Show comments