Alakdan(255)

‘‘NAISIP ko noon, hindi ha­ bampanahon ay magkakasama kami ni Dolfo. May asawa siya at nakikihati lamang ako. Kahit pa anong gawin, sa asawa pa rin niya siya uuwi. Inihanda ko na ang aking sarili sa ganoong sitwasyon kaya lahat nang pera kong kinita sa Saudi at pati    ang ibinigay  nina Sir Abdulaziz at Mam Nuhra ay inilagay ko sa banko.

“Ang ginagastos ko ay ang padala ni Dolfo buwan-buwan. Doon ko rin kinukuha ang pagpapakunsulta sa pediatrician. Sabi ni Dolfo huwag ko raw kaligtaan ang pagpapa-checkup. Kailangang maalagaan ang aming anak habang nasa tiyan pa lamang. Kumain daw ako ng mga masusustansiya para ang aming anak ay maging matalino. Magpapadala raw siya nang malaking pera kapag malapit na akong manganak. Bilhin ko raw lahat ang mga kailangan para sa aming anak.

“Ang hirap pala ng kalagayan kapag ang babae ay buntis at walang lalaking nakasubaybay. Maski gusto ko nang mga pagkain ay wala naman akong magawa dahil wala akong mautusan. Gusto ko ng puto at dinuguan sa umaga, e wala namang bumili para sa akin. Ang pinsan kong babae ay busy sa tindahan niya. Kaya wala akong magawa kundi lumunok-lunok na lang. Kung kasama ko sana si Dolfo ay madali ko siyang mauutusan o baka siya na mismo ang nagkukusa. Ang hirap talaga ng kalagayan ng babaing buntis na nakikihati lamang ng panahon sa isang lalaki. Pero hindi naman ako nagsisisi sa nangyari dahil mahal ko talaga si Dolfo.

‘‘Pinayuhan ako ng       aking pinsan na huwag nang itago sa aming mga kaanak sa San Pablo ang nangyari. Kasi mahirap kapag patakbu-takbo na laging may iniiwasan. Mauunawaan din naman daw ako sa San Pablo.

“Pero hindi ako puma-yag, gusto ko kapag na-kapanganak na ako saka susulpot sa San Pablo. Ayaw kong makita nila ako na buntis tapos ay walang kasamang asawa.Di ba nakakahiya ang ganoon?’’

Napatangu-tango si Troy habang nagkukuwento si Siony. Naikokonekta na ni Troy ang mga pangyayari. Sa pagbabakasyon ni Mang Dolfo ay tamang-tama na kabuwanan ni Siony. Pangako ni Mang Dolfo na nasa tabi siya ni Siony sa oras ng panga-nganak nito.

‘‘Kabuwanan ko na. Noon ay Disyembre 1988 at nakatakdang umuwi si Dolfo. Excited ako sa pagdating niya sapagkat mayroon na akong ma­kakatuwang.

‘‘Disyembre 16 nang dumating siya. Nagpaganda ako para sa paghaharap namin at wala siyang masabi sa aking beauty.’’

‘‘Pero nakalipas na ang ilang araw ay hindi pa siya nagpapakita. Kung anu-ano ang naisip ko kung bakit wala pa siya. Naisip ko baka nadiskubre na ng kanyang asawa ang aming relasyon.

(Itutuloy)

Show comments