Jak at Barbie, nag-break pagkatapos ng birthday ng actor

Nang sinulat namin before Christmas 2024 ang breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto, may “raw” at “daw” pa kami dahil hindi kumpirmado. Pinag-uusapan lang ‘yun ng fans ng ex-couple.

Napansin ng fans na for a couple of days, hindi na nila-like ng isa’t isa ang kanilang post sa Instagram, ‘yun na pala ‘yun, kinumpirma na ni Barbie.

Ang last official sightings sa JakBie ay noong Dec. 3, 2024 sa birthday party ni Jak noong Dec. 2. Nag-duet pa ang da­lawa at nasaksihan ito ng mga guest ng actor, pero ang mga sumunod na araw, wala nang balita sa kanila.

Naging tradition na ng JakBie na mag-exchange gift tuwing Pasko, pero sa nakaraang Pasko, walang exchange gift na nangyari sa kanila. Pinalipas lang ni Barbie ang holiday season at ipinaalam na nga na hiwalay na sila after a seven-year relationship.

Pero ang mommy ni Barbie may post pa ng lead actor ng Netfix series na When the Phone Rings at may photo nina Barbie at David Licauco sa movie nilang That Kind of Love. Ang caption ni Amy Forteza ay “Nagiilusyon lang po walang kokontra.”

Ang dating ng post na ‘yun ni Amy sa netizens, sina Barbie at David ang magbida sakaling may Philippine adaptation ng Korean drama na ‘yun.

May mga nag-comment na sa post na ito ng mom ng aktres, baka pagsimulan ng intriga.

Sana raw tahimik na lang gaya ng request ni Barbie.

John at misis na si Priscilla, kanya-kanya nung holiday season

Wise move ang ginawa ni John Estrada na i-off ang comment box ng mga latest post niya sa Instagram dahil hindi siya naba-bash at walang makakasira ng araw niya. Lalo na at kasama niya sa post ang mga anak.

Kuha noong New Year ang photo post niya na kasama ang apat na anak kay Janice de Belen at isang anak kay Priscilla Meirelles : “My (red heart emojis) Happy New Year Po.”

May post din si John last Christmas kasama pa rin ang apat na anak nila ni Janice and in both photos, wala si Priscilla. Nagtatanong ang netizens kung nasaan ang wife ni John.

Sa Instagram naman ni Priscilla, may New Year post ito kasama ang anak na si Anechka at intriguing ang caption nitong “Every new beginning comes from some other beginning’s end. Bring on the new adventures.”

Sinundan pa ng post na may caption na “Unbothered, Happy, Blessed, Focused, Growing, and Glowing, Welcoming 2025.”

Arnold, inaming gawa-gawa lang ang kuwento ng ‘rape’

May comment si Arnold Clavio sa trailer ng The Rapists of Pepsi Paloma, may nag-agree sa kanya at may mga pumabor kay Director Darryl Yap.

Sabi ni Arnold, “EHEM: Inilabas na ang trailer or teaser ng pelikula na The Rapist of Pepsi Paloma para sa taong 2025.

“Puwedeng magtago sa artistic freedom ang director pero hindi sa mga umiiral na batas. Maliban kung may public record ang korte batay sa akusasyon. Baka iyon ang intensyon, ang maggulat!

“Ilang dekada nang binubulabog ang Pilipino ng isyung ito. Tuwing may malalaking problema ang isyung ito ay laging panligaw.

“Pero tanda ko, sa panayam ni @juliusbabao kay Coca Nicolas, kaibigan ni Pepsi, na ang rape issue ay ‘gimik’ at gawa-gawa lamang ng kanilang manager-ang namayapang si Dr. Rey Dela Cruz.

“Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya. Dahil malabo itong mapayagan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na may hayagang paninirang puri o defamation. Sino ang source of information ng eksenang napanood? O ito ba ay bahagi ng isang panaginip ng mga karakter?”

Show comments