Inanunsyo na ng GMA Network at FPJ Productions, Inc. ang partnership nila sa mga pinaka-iconic na pelikula ni Fernando Poe, Jr. (FPJ) sa TV – FPJ sa GMA ngayong 2025.
Itatampok ng programang FPJ sa GMA ang napiling box-office hits ni FPJ.
Inaasahan itong magiging isang ‘di malilimutang at nostalgic na karanasan para sa matagal nang tagahanga at mas batang audience ng mga naiwang pelikula ni FPJ.
“FPJ’s contributions to Philippine cinema and to the Filipino identity remain unmatched. He indeed was, and still is, The King of Philippine Movies, whose influence has been ingrained within our culture and within the hearts and minds of every Filipino,” ayon kay Atty. Annette Gozon-Valdes sa naganap na contract singing kamakailan.
Sen. Grace Poe likewise spoke of her delight that classic movies of FPJ will finally air and be enjoyed again in its first home on television. “Mula sa akin at sa aming pamilya, maraming salamat sa pagpapahalaga sa alaala at sa sining ni FPJ. Noon pa man at ngayon, naipalabas ang mga gawa ni FPJ hindi lang sa sinehan kundi sa telebisyon sa pamamagitan ng FPJ sa GMA. Nais kong magpasalamat na ngayon ay mapapalabas ulit sa telebisyon. Maraming maraming salamat sa pagtanggap muli kay FPJ at bumalik dito sa kanyang tahanan.”
Ang FPJ sa GMA ay inaasahang magiging isa sa pinakaaabangang partnership sa Philippine entertainment ngayong 2025.