Maligayang Pasko sa lahat ng tumatangkilik sa Pilipino Star Ngayon at Pang-Masa sa loob ng maraming dekada.
Of course, sa ganitong okasyon eh ang Metro Manila Film Festival naman ang pinagkakaabalahan sa showbiz!
Pangunahing abala sa MMFF at Metro Manila Development Authority. Matapos ang Parada ng mga Bituin, ang pagsasagawa naman ng Gabi ng Parangal ang isasagawa nito sa Dec. 27 sa Solaire South.
Sampung kalahok ang maglalaban-laban sa takilya at awards night. Basta one of the best MMFF ang 50th edition nito kaya magtabi ng pera upang pasiyahin ang sarili at manood ng pelikulang Pinoy.
Kapana-panabik ang labanan sa acting awards dahil muling bagong bihis ang character nina Vic Sotto at Vice Ganda na sa kanilang pagbabalik sa MMFF eh may halong drama na ang kanilang pagganap!
Anyway, basta kami dito sa PSN at PM, patuloy na maghahatid ng balitang showbiz na may kredibilidad, patas at magpapatingkad sa aming dyaryo kahit na nga may social media nang namamayagpag ngayon!
Merry Christmas…
Gawing makabuluhan ang selebrasyon ng Pasko na puno ng pagmamahalan at pamamahagi sa kapus-palad!
Merry, Merry Christmas sa inyong lahat!