Kobe, dadalhin na si Kyline sa buong angkan

Kobe Paras at Kyline Alcantara.
STAR/. File

Nakatakdang ipakilala nang personal ni Kobe Paras sa inang si Jackie Forster si Kyline Alcantara sa susunod na taon. Kasalukuyang nakabase sa California, USA ang dating aktres.  “I have a lot of family from my mom’s side in the States. So, I would like them to meet Ky. Not a lot of people have met my family from my mom’s side. So, it’ll be exciting for me, for them to meet Ky,” pahayag ni Kobe sa 24 Oras.

Magkasamang magdiriwang ng Kapaskuhan sina Kobe at Kyline sa Bicol kung saan naman nakabase ang pamilya ng dalaga. Excited na rin daw si Kyline na makilala nang personal ang pamilya ng binatang nasa Amerika. “Definitely, na-meet niya na po ang aking buong angkan, why not naman, ‘di ba?” dagdag naman ni Kyline.

Jennylyn, may legal team ang negosyo

Kabi-kabila na ang negosyong inaasikaso ni Jennylyn Mercado ngayon. Bukod sa pagiging artista ay abala rin si Jennylyn sa sariling salon salon business sa nakalipas na dekada. Inumpishan na rin ng aktres at asawang si Dennis Trillo ang kanilang production company ngayong taon. “Originally ‘yung concept talaga namin dito, hindi pa DYLN Style Lounge ito noon. Iba pa ‘yung pangalan niya. Dapat talaga wellness center siya. Noong time na ‘yon meron akong ka-partner. Tapos ‘yung partner ko iniwan ako and then nag-decide ako na gawin na lang siyang salon. Now, 10 years na siya. Ako pa rin mag-isa and mas okay naman ‘yon para rin hindi na magulo and sariling business ko na lang siya talaga,” nakangiting pahayag ni Jennylyn.

Aminado ang Kapuso actress na mayroong mga pagkakataong hindi maganda ang kinikita ng kanyang salon. Sa loob ng isang dekada ay marami nang natutunan si Jennylyn sa pagnenegosyo. “Sa loob ng sampung taon, na-master na rin namin and na-improve bawat taon kung may mga updates na kailangang gawin, nag-a-update din kami. Maraming lessons eh. Kasi maraming beses na rin kami nag-fail. Siyempre hindi naman palaging puno ‘yung business mo. May mga times rin na wala ding tao. Pero siyempre hindi ka tumigil sa gano’n. Kailangan nag-e-explore ka like maraming mga bagong servi­ces. Importante ‘yung tiwala sa iyo ng customers,” pagbabahagi niya.

Maraming artista na ang nagkaroon ng problema sa pagnenegosyo. Noon pa man ay talagang maingat na si Jennylyn upang hindi magkaroon ng suliranin sa paghahanap-buhay. “Talagang ma-review ako, medyo metikuloso ako sa ganyan. Sobrang swerte ko kasi ‘yung legal team ko talagang tutok kahit na minsan may nami-miss ako. Talagang sila ‘yung magsasabi sa akin. Nandiyan sila sa tabi ko at hindi nila ako pinababayaan. Importante may due diligence, i-review n’yo. Hindi basta papasok sa kahit saang business na hindi n’yo alam ‘yung pinapasok n’yo. As much as possible ‘yung mga magiging partners, kung hindi naman kilala, kung kaya naman mag-isa, kayo na lang. Siyempre may mga pamilya tayo,” giit ng Kapuso actress.

(Reports from JCC)

Show comments