Cr parang isang condo unit ang laki Ivana, sa Italy at Amerika namili ng mga furniture

Ivana Alawi

Daming na-amaze sa pa-house tour ni Ivana Alawi. Massive ang yaman ni Ivana, na napag-isip-isip niya raw na magpa-house tour (mansion actually) dahil sa rami nang nagre-request.

At nag-invest pala siya sa mga Italian furniture na ang isang Mama Chair (accent chair) daw ay worth P600,000 at limited edition. Na sa Pilipinas daw ay dalawa lang ang may ganung accent chair at nasa kanya nga ang isa. (Hindi ganito ‘yung accent chair na ipinakita ni Jinkee Pacquiao?)

Nakalagay ‘yun sa kanyang living room – at mahilig pala siya sa neutral color. “Dito talaga ako nag-invest sa mga Italian furniture. Dati kasi, hindi naman ako marunong ng mga ganyan. Pero na-realize ko, dapat mag-invest ka sa magagandang furniture na tatagal talaga,” pagkukuwento niya sa kanyang vlog.

At customized ang kanyang Christmas tree dahil nga birthday niya every Christmas day.

At ang kitchen, fabulous na ang kagamitan -  sabi niya ay nine months niyang hinintay ang oven galing abroad ganundin ang walk-in ref niyang ipinakita.

At may voice command ang kanilang oven.

At pati knife set, galing Amerika. At ang spices, naka-label lahat. Pinagmalaki rin niyang ang mga kaldero, top of the line, na hindi raw niya ginagamit at pang-display lang. Pina-ship din daw niya ‘yun galing sa Amerika.

Sosyal talaga.

At ang dining table from Italy, habang ang chair nila from the maker daw ng Ferrari (car) na isa raw sa pinaka-mahal na furniture nila sa bahay kaya takot silang upuan ito at madumihan dahil nga nakakatakot din ang presyo.

Anyway, ang bongga, hanggang sa kanyang kuwarto. Simple lang pero pulos imported ang mga kagamitan, pero may pantry area para ‘di na raw siya bababa.

At ang gimikin daw niya, sa shower area na, dahil may lighting effects ito na ipinakita ni Ivana.

Actually sa comfort room pa lang, parang isang condo na sa isang ordinaryong tao with matching aircon din. At doon siya nati-tiktok.

Ang yaman ni Ivana sa totoo lang.

Anyway, ok na ok na raw siya matapos ma-hospital na matagal na palang sakit niya at panay ang bilin sa kanyang followers na ingatan ang ating kalusugan at ‘wag na raw hintaying ma-hospital bago alagaan ang sarili.

At siyempre pasok sa nasabing mansion tour ang mga endorsement ni Ivana.

Show comments