MANILA, Philippines — Nakakatawa ang netizens, sana raw dyinowa ni Gerald Anderson si Kylie Verzosa para makaka-brag siya na ‘yung Tanduay Calendar Girls mula 2022 hanggang ngayong 2025 ay naging girlfriend niya.
Pare-parehong naging GF ni Gerald sina Tanduay Calendar Girl Bea Alonzo noong 2022, si Julia Barretto noong 2024, at ngayong 2025 ay si Kim Chiu naman. Si Kylie ang Tanduay Calenday Girl noong 2023, hindi siya naging GF ni Gerald at si Jake Cuenca na yata ang boyfriend noon ni Kylie.
Anyway, kanya-kanyang comment ang netizens sa pagiging Tanduay Calendar Girl 2025 ni Kim at kahit late na raw for her dahil 34 years old na siya, panalo pa rin.
Kumpara raw kina Bea at Julia, mas toned ang body ni Kim, mas proportion, at mas maganda ang photo shoot niya. Less filtered din daw ang photos ni Kim, ibig sabihin, organic.
Gabby, nakipagtagisan kina Ate Vi, Nadine at Aga!
Tinanong kami ni Rey Pumaloy kung sino si Gabby Padilla dahil kahit award-winning actress siya, konti ang alam ni Rey sa kanya. Actually, kahit naman kami, konti lang ang alam sa isa sa cast ng Uninvited at ang alam lang namin, stage actress siya na nag-cross over sa film at successful siya sa ginawa niya.
Isa siya sa lead actress ng Kono Basho na entry sa 2024 Cinemalaya at nasundan nga nitong Metro Manila Film Festival entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects. Iku-quote na lang namin ang sinabi ng Mentorque kay Gabby.
“Gabby Padilla- a rising star of her generation!”
Mababasa rin ang mga comment na “A showdown of award-winning actor” at isinama nila si Gabby sa mahusay na actor na makikipagtagisan ng husay kina Vilma Santos, Nadine Lustre, at Aga Muhlach. Pati na rin sa iba niyang makakaeksena sa movie, sa trailer, sina Vilma, Aga lang at Mylene Dizon ang napanood naming kaeksena niya.
Sa grand launch, nagpahayag ng saya si Gabby na makasama sa movie na bukod sa entry sa MMFF, bigatin, magagaling at ilan sa pinakasikat na aktor ng local movies ang kanyang kasama.
Max, may pa-puso kay Pancho
Magkaibang promo strategy ang ginawa ng ex-couple na sina Max Collins at Pancho Magno sa pagpo-promote ng cover nilang magpamilya sa isang parenting magazine.
Si Max, pinost ang electronic billboard ng magazine kung saan, hinalikan nila ang anak nilang si Skye – sabi nito sa caption, “Family photo.”
Si Pancho, hindi lang ang cover ng magazine ang pinost, pati na ang iba pa nilang photos na mag-anak at may solo pics pa si Max at pati na rin siya na pinusuan ni Max at maganda ang feedback sa friends nila.
Hindi naiwasang may mag-wish na sana magkabalikan pa ang dalawa na unfortunately, hindi na mangyayari dahil legally divorced na sila.