BINI, laging takot na dumugin?!

BINI

Ang sosyal ng BINI ha. Nanalo silang Best Asia Act at this year’s MTV EMA! “This honor means the world to us, seeing Filipino music shine on the global stage. Maraming salamat po!” mensahe ng grupo sa kanilang X account.

Kaya sana ay hindi totoo ang mga kumakalat  na kuwento na lumalaki na diumano talaga ang ulo nila at pakiramdam nila ay lagi silang dudumugin.

Na kahit daw sa compound ng ABS-CBN, ayaw na ng mga itong basta lumabas dahil baka dumugin sila ng mga staff kahit sa canteen.

Ganun.

Naku mga iha ‘wag munang mag-isip ng ganun. Sa true lang, mas kilala ko ang SB19 dahil parang ang babait nila lalo na kapag napapanood ko sina Stell at Pablo sa The Voice Kids.

Paalala ko lang, mas masayang dumugin kesa hindi.

‘Yun lang at babu na. ‘Wag magalit sa inyong Lola Lolit, payong matanda lang ‘yan.

Music videos ng top 12 Philpop Himig Handog entries, inilabas na!

Napapanood na ang music videos ng Philpop Himig Handog Top 12 finalists sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.

Available din ang music videos ng ATM ni Ice Seguerra, Buhi ni Ferdinand Aragon, Dili Na Lang ni Jolianne, Ghostwriter ni KHIMO, Kurba ni Maki, Langit Lupa nina Geca Morales, Lyka Estrella, at Annrain,  MHWG ng VXON,  Papahiram nina Moira Dela Torre at Johnoy Danao, Salamat (Nga Wala Na Ta) ni Kurt Fick,  Taliwala ni Noah Alejandre, Tulala nina Shantel at Extrapolation, at Wag Paglaruan nina FANA at Tiara  Shaye sa MYX cable channel at The Filipino Channel (TFC).

Samantala, na­ging mainit ang suporta ng OPM fans sa Philpop Himig Handog entries na umani na nang 3.6 million combined streams habang lahat ng awitin ay nakakuha nang mahigit 10,000 streams bawat isa sa Spotify.

Nagsimula ang kolaborasyon ng Philpop Music Fest at Himig Handog sa isang mentorship program na naghandog ng workshops at songwriting sessions para sa mga baguhang Filipino composers mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Papangalan naman ang magwawagi sa songwriting festival sa susunod na taon.

Bongga kayo.

Show comments