Marami ang naaliw sa TikTok video na pinost ng aktres na si Kris Bernal kung saan sinabi nitong magastos ang pagpapagawa ng bahay.
Makikita sa video ang sintomas na walang pera ang isang tao at oa niyang inarte ang mga ito.
Marami naman ang naka-relate na hindi talaga biro ang gastos sa pagpapatayo ng bahay.
Napansin naman ng netizens ang laki ng bahay na pinagagawa nito. May nag-akala pang simbahan ito at hindi bahay, na uso na raw ngayon na kung tama ang netizen ay modern Mediterranean daw ang konsepto.
Pero may mga nag-nega naman at sinabing low key na niyayabang nito ang pinagagawang bahay na kinontra naman ng ibang tagahanga ng misis ni Perry Choi.
Wala naman daw masamang i-flex ang naipundar. Proud lamang daw si Kris na i-flex ang pinaghirapan niya.
Dagdag naman ng ibang netizen ay mahal talaga ang magpagawa ng bahay lalo na kung mala-palasyo. Mukha raw kasing castle ang bahay nito sa Europe.
Isa pa sa napansin ng mga netizen ay bumagay na ngayon kay Kris ang kanyang katawan na mas may laman na kumpara noong bago siya magbuntis.
Habang aliw rin ang sinabi ng ibang tagahanga nito na dapat daw ito ang i-partner sa aktor na si Dennis Trillo na puro kalokohan din ang ipino-post sa TikTok. Bongga.
Yassi, naging bato sa mga basher
Ang bongga naman ng aktres na si Yassi Pressman na binati ang kanyang karelasyong pulitiko.
Ipinost ng kapatid ni Issa Pressman ang litrato nila na silhouette nila na may galaxy background, na may red dot na tanda ng Earth.
Bongga, parang walang paki ang magkarelasyon sa mga pamba-bash noong nangyari ang Bagyong Kristine kung saan sinasabing kasalukuyang nasa Siargao sila habang nananalasa ang bagyo sa lalawigan nila na Bicol.
Well...