Nung malaman ni Nay Lolit Solis na pa-fly ako sa San Francisco, California, USA, agad nya ako pinapunta sa lunch kasama ang kanyang mga amigas including Pat P Daza, Leo Espinosa, Tito Gorgy Rula at Salve Asis. (daig ko pa ang gate crasher!) Kailangan ko raw pumunta kasi bibigyan nya ako baon! (harbat is life!) Ganyan sya sa’kin tuwing pa-abroad ako. (so, aarte ba ako?!)
Ang kitaan ay in-organize ng Flawless team headed by ng kanilang matriach na si Madame Rubby Coyiuto. (hello Ms. Tanya, Ms. Kris, et al.) Madalas ko makita siya sa mga sosyalan (oo sowsyal ako!) at mabait sya sa’kin. (ganda ko kasi!) Naalala ko estudyante pa ako nung huli ako bumisita sa kanilang pioneer clinic sa ortigas. (pinag-ipunan ko pa talaga ‘yun!)
At dahil mabait nga sya at ang kanyang team, pina-go nila ako sa clinic nila para ma-experience ulit ang pag- aalaga ng Flawless. (so feeling endorser ako ha!)
Nagulat din ako na kasama pala ni Pat P ang mom nyang si Ms. Jullie Yap Daza. (icon of Philippine TV and Journalism!) Nagpa-picture talaga agad ako! Naalala ko nung ni-launch nya ang book na Etiquette for Mistresses (ages ago), pinapirmahan ko sa kanya ang libro. (uso pa ang autograph!)
‘Yan ata ang sign kaya ‘yung radio show ko noon ay puro tungkol sa third party ang naging topic ko! (kabitsina on the loose!) Naging bahagi rin ako ng TV viewing habit ng mga shows nyang Tell the People at Ju-llie. (sya ‘yung parang unaffected host pero tumatatak ang hosting style!)
Kinilig lang ako kasi kilala raw nya ako. (‘di naman siguro ako ineetchos!)
Iconic ang lunch with Nay Lolit, Ms. Rubby at Ms. Jullie ha. Mga reyna sa kani-kanilang larangan. (ako ang kanilang prinsesa?!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu. Website: www.channelfu.com