Dimples, senti sa pagtatapos ng anak na piloto

Dimples Romana

Proud ang aktres na si Dimples Romana na malapit na pala siyang magkaroon ng anak na piloto.

Nang makatsikahan namin si Dimples sa shoo­ting ng pelikulang Caretakers, ibinahagi niyang malapit na raw ang 40th birthday niya, at nagsisimula na siyang mag-senti.

Pero malaking bagay raw na nandiyan ang mga anak niya at magpipiloto na ang panganay niyang anak si Callie. Sa Australia ito nag-aaral ng Aviation.

“Student pilot kasi siya. So, 18 siya umalis, 20 pa lang po siya ngayon. She’s actually down to her last unit for university. Kasi po dito sa atin ‘di ba? You have to finish the college degree before you can take Aviation.

“Doon po naka-incorporate siya. Meaning, university, aviation school, and then university. So, she’s finishing very early. Very early na in fact, ‘yung talagang graduation rites nila ay Feb. pa, pero 1 unit na lang siya. So, patapos na siya, makakauwi siya for my birthday and then we’re going there for Christmas,” masayang kuwento pa ni Dimples sa set ng pelikula ng Rein Entertainment.

Forty years old na si Dimples sa Nov. 13, at ang dami na raw niyang napagtanto. “So, ‘pag nakikita ko ‘yun naiisip ko talaga, grabe, Lord, ‘no? Sobrang bilis ng buhay. And for somebody who’s been working for almost three decades… ito na rin po kasi talaga ‘yung bread and butter ko. Ito rin ‘yung pinagpapasalamat ko na nagpapapunta sa kanya dun. Wala naman kaming pinagkakakitaan ng asawa ko, bukod sa mga negosyo namin. E ano naman ‘yung negosyo namin? Mas natutukan ko talaga ‘yung sa karera ko.

“Nakita ko na, ‘ah ‘yun lang pala ang maiwan ko sa anak ko, education.’ And gusto ko lang segundahan, direk, ‘yung sinabi mo na ‘yung mga bata hindi mo sila masasabihan,” saad ni Dimples.

Si direk Lino Ca­yetano ang tinutukoy niyang direk na producer ng naturang film project na kaharap din namin habang kami ay nag-iinterview.

Sa rami ng ginagawa ngayon ni Dimples, tinitiyak niyang may panahon pa rin siya sa kanyang mga anak.

Ang panganay niyang si Callie ay 20 years old, ang pangalawang si Alonzo ay 9 years old, at ang bunsong si Elio ay mag-two years old pa lang.

“Masuwerte lang po ako kasi napakabait. So, kung ikaw mismo na magulang mahihiya ka na hindi mo mabigay ‘yung kailangan niya. In fact, hindi na siya humihingi ng labis, ako lang. Si Callie kasi mahilig siya sa oras.

“So, ‘yun ang pinakahinihingi niya. So, ‘pag sinabi niyang I need your time, Mama, I really stopped. And sometimes, I even excused myself on the set, and I say, ‘wait lang po ha? Makikipag-usap ako,’” ayon pa sa actress na makikipagta­gisan ng husay kay Iza Calzado sa Caretakers.

Aktor, malalim ang galit sa direktor

Lalong lumala ang hidwaan ng guwapong aktor at ng direktor nito ng isang teleserye.

Nagulat ang co-actors nito at production staff sa taping na kaagad nagkainitan sa isang simpleng comment ni direk sa kanilang taping.

Nagkagirian silang dalawa. May pagkataklesa nga raw kasi si direk. Pero nagtataka ang mga staff bakit ganun na agad ang galit ni guwapong aktor.

Sa pagkakalkal ng ilang staff, napag-alamang matagal na palang may isyu ang dalawa. Hindi nila alam kung ano ang ugat ng hidwaan, pero matagal na palang may kinikimkim na galit si aktor kay direk.

Lalo pang lumala ngayon, kaya iniiwas na magkasama sila o magtagpo sila sa taping.

Ang buong akala namin pansamantala lang ang pagdidirek sa teleser­yeng ‘yun. Siya pala ang direktor sa second unit at minsan ay inililipat sa first unit.

Malabo na raw silang magkaayos hanggang sa ending ng taping.

Ang naiintriga lang kami ay kung ano talaga ang dahilan nang matinding galit ni aktor kay direk. Aalamin pa namin ‘yan.

Show comments