Sarah at Megan, hulaan ang pagbubuntis

Megan Young
STAR/File

Hulaan nang hulaan ang mga tao sa aktres na sa wakas ay buntis na pagkatapos ng ilang taong paghihintay? Habang ang mga tao ay naghuhulaan, si Sarah Geronimo ba ito, o si Karylle o maging ang panggulong hula na si Vice Ganda raw ay pinapalutang.

Pero dahil ang sabi’y minsan nang nagbigay raw ang aktres ng karangalan sa bansa, ang hula ng nakararami ay si Megan Young kay Mikael Daez.

Totoo ba? Kasabay ng pag-aabang natin ay ang panalangin na sana ay safe at ligtas ang pagbubuntis na ito, if ever!

Javi at Sue, kanya-kanya na

Kung si Mayor Javi Beni­tez ng Victorias sa Bacolod ay tatakbo nang congressman sa susunod na eleksyon, ang sabi ng ibang tao ay malamang mas may oras na silang magkita muli ni Sue Ramirez dahil Manila-based na ang trabaho ng isang Congressman.

Pero ang tanong, sina Mayor Javi at Sue pa ba? ‘Di ba napabalitang break na sila? Or nagkabalikan ba – or on friendly terms naman – kahit may naririnig tayong nagde-date na raw sila ng iba?

How true? Just asking.

Mga network, kumahog sa mga ad ng pulitiko

Kumahog na ang mga network sa paghahanda sa pagkuha ng political ads sa TV ngayon – kahit hindi pa nagsisimula ang campaign season, ang sabi ng network executive, “hindi naman bawal, kaya walang masama, ‘di ba?”

At totoo ba na kahit nagre-rate kasi ang shows sa TV, hindi pa rin ganoon kataas ang ad sales. Kaya ang mga mukha ng mga pulitiko na mga ‘tol at may-ari ng businesses at ate ng lider natin ang may napakaraming commercials sa TV. ‘Yung mga artista naman, ‘yung isa nasa popular na teleserye naman at ‘yung isa, nasa events naman at presscon – kaya maximum exposure, kahit sa billboards nationwide. Kaya, ramdam niyo na ba ang election fiesta?

Korina, maraming babaguhin sa iniwan ni Karla?!

Kailan na papalitan ni Korina Sanchez si Karla Estrada sa bagong Face To Face?

Talaga bang desidido nang tumakbo si Karla sa eleksyon ulit?
Ano kayang mga pagbabago na gagawin sa show kung sakali?

Ok lang ba talaga kay Koring na papalitan niya si Queen Mother sa show? Leveling ba ito? Aray kooooo!!!

Nakakataquote:

“Yung mga nambabash kay Arnel Pineda, tumahimik kayo! Mas magaling pa nga kumanta yung pusakal namin dati keysa sa inyo! Happy Birthday nga di niyo maperfect! TSE!!!!” – Thor

Show comments