Kris, sa hotel inaalagaan ng mga Kaibigan

Kris

Naka-check in pala sa hotel si Kris Aquino.

Ito ang narinig kong update matapos siyang bumalik sa bansa.

Two weeks ago nang dumating ng Pilipinas si Kris pero nanahimik na ito na kabilang sa mga sumundo ay ang bagong karelasyon niya na kasama sa pinasalamatan niya (‘MY Dr. MP’) sa kanyang post bago lumapag ng Pilipinas ga­ling Amerika almost two weeks ago, si Dr. Michael Padlan, na residente ng Makati Medical Center.

Same age raw ang nasabing jowa ni Kris, 53 years old, at may two kids sa previous relationship.

Sikat daw si Doc sa Makati Med at ang daming pasyente ayon sa isang kakilala kong pasyente ni Doc Michael.

Kaya naman masaya ang kanyang followers na meron na talagang nag-aalaga kay Kris.

At mas ok naman daw talaga sa hotel kesa maglagi ito sa hospital.

Show comments