Teleserye ‘di na nasundan... kontrobersyal star, tinatanggihan ng advertisers!

Mukhang naudlot ang showbiz career ng kilala at kontrobersyal na aktres dahil tinatanggihan pala ito ng advertisers.

Nakapagbida na siya sa isang TV network, at maganda ang ratings, kasi talagang pinapanood siya. Pero hindi kasi maganda ang mga isyung kinasangkutan niya, at minsan parang sinadya pa para mapag-usapan.

Nakakaaliw rin siyang panoorin hanggang ngayon, pero nakakapagtaka lang na wala na siyang kasunod na TV show pagkatapos ng teleseryeng pinagbidahan niya.

Napag-alamang tinatanggihan pala siya ng advertisers.

Hindi naman kasi ratings lang ang basehan kundi dapat kumita ang network sa programa mo.

Kahit hindi gaanong nagre-rate ang isang show, pero kung maganda ang image ng bidang artista, mamumutiktik talaga ito sa commercials.

Ano kaya ang puwedeng gawin ni kontrobersyal na aktres para medyo gumanda naman ang imahe?

Rob, dinaan na sa korte ang hiling na makita ang anak

Muling napag-usapan ang isyu ni Rob Gomez sa kanyang anak dahil magmula nung nag-birthday raw ito nung December last year ay hindi na raw niya nakikita ang anak na si Amelia.

May legal action na raw siya laban sa ina ng kanyang anak, upang makasama ito.

“It was a tough time, first time po nating ma-experience ‘yung ganun. And hopefully, wala nang ganun in the future.

“And then again, my family was there to support me, and they know what I’m about. They know it’s not true. They know I wouldn’t be able to do such a thing.

“And sobrang loss sa amin ‘yung nangyari. We miss Amelia so much. Lahat kami, my lola, ‘yung great lola ng anak ko, miss na miss na siya.

“So, I’m just really doing everything I can para maayos na in legal ways ngayon. And that is why I do the interviews also po.

“Honestly kasi, so I leave a tread for my daughter to see one day when she’s older. I’ll never forget her. I’ll never forget her! I will never forget her!” madamdaming pahayag ni Rob nang makatsikahan namin sa Regal Legacy event ng Regal Entertainment, Inc. sa Valencia Events Place noong Sabado.

Kaya hindi umiiwas si Rob na magpa-interview tungkol sa kanyang anak, para paglaki raw ng bagets makikita raw nito sa Google ang interviews niya na gusto niya talagang makasama ito, pero ipinagkakait ng ina.

“Kaya ko po lahat tinatanggap… siyempre sabi naman, puwedeng huwag akong magpainterbyu.

“But I’d rather talk to you, guys. Kasi, hindi po ako masalita masyado. I’m not an angry person. So it takes a lot to trigger me.

“I guess this is a chance for me to say what I have to say, even though hindi ko masabi lahat,” sabi pa ni Rob.

Samantala, pinaglaruan namin si Rob tungkol kay Herlene Budol. Wala na ba silang komunikasyon o nagkadebelopan ang pinagsamahan nila sa Magandang Dilag. “We’re just friends. We’re good friends, siyempre,” mabilis na sagot ng makisig na aktor.

Hanggang friends lang talaga sila? “Opo, sobra. Friends lang. Friends lang tayo,” bulalas ni Rob.

Biniro naming puwede naman kahit friends lang. “Pinagpapawisan ako sa mga tanong. Hindi ba? Pero friends po. Friends,” sabi pa ni Rob.

Sana nga raw ay mag-sequel ang kanilang Magandang Dilag. “Sayang nga po. Maganda sana kung may part 2, no?” sabi pa ni Rob Gomez.

Katatapos lang ni Rob ng pelikulang Strange Frequencies: Haunted Hospital na entry ng Reality MM Studios sa 50th Metro Manila Film Festival.+

Show comments