Aktor at aktres na may pamilya, may tikiman portion ‘pag nalalasing

Wow may ‘tikiman’ portion pala ang isang married actress at pamilyado ring actor.

At nabuo raw ang kanilang illicit affair sa taping ng kanilang teleserye.

At ang tikiman portion, nagaganap daw ‘pag naglalasingan na sila.

Tho kilala namang malandi si actress pero nag-asawa kasi siya kaya ang buong akala ng lahat, loyal na siya sa mister.

Pero hindi pa pala faithful si actress.

Malandi rin ang reputation ng actor kaya hindi na shocking kung magkaroon man sila ng tikiman portion sa taping lalo na kung sa malayong lugar sila nagti-taping.

Bukod sa malandi si actor, kumbaga ay may asim pa naman kaya patol din naman ang ibang nakakatrabaho niyang actress.

Show comments