Donbelle, bibida sa ASAP

Belle Mariano at Donny Pangilinan

May pasabog ang New Gen Phenomenal Loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, kasama ang cast ng Can’t Buy Me Love para sa finale ng Kapamilya hit series ngayong Linggo (Mayo 5) saASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Makakasama ng DonBelle sa  ASAP stage sina Anthony Jennings, Maris Racal, Kaila Estrada, Joao Constancia, Chie Filomeno, Vivoree, Gelo Marquez, Rowell Santiago, Ina Raymundo, Ruffa Gutierrez, at Nova Villa.

Puno naman ng mga sorpresa ngayong weekend dahil ipagdiriwang ng musikero at kompositor at National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab ang kanyang ika-70 na kaarawan sa pamamagitan ng pag-perform ng kanyang greatest hits kasama ang mga ASAP icon na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Erik Santos.

Humanda naman para sa isang pasabog na performance kasama sina Gary, Martin, Ogie, Regine, Zsa Zsa, Erik, Vina Morales, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Janella Salvador, Jeremy Glinoga, Alexa ilacad, Jona, Klarisse De Guzman, Kim Chiu, AC Bonifacio, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Jolina Magdangal, Jason Dy, Gela Atayde, at Joao na maghahatid ng cowboy-themed opening number ngayong Linggo.

Samantala, handog ng Kapamilya singing champions na sina Jed Madela, Jona, Klarisse, Jason, Sheryn Regis, Marielle Montellano, Katrina Velarde, Lyka Estrella, Sam Mangubat, Khimo, JM Yosures, JM Dela Cerna, at Reiven Umali ang kamangha-manghang pagtatanghal ng songs of empowerment.

Pakinggan din ang mga nakakaantig na pag-awit ng mga orihinal na komposisyon mula kina Yeng, Nyoy Volante, KZ, Ice Seguerra, Fana, Kice, at KD Estrada.

Anyway, talagang parang pang-forever na ata ang ASAP.

Show comments