Miel sinagot ang tungkol kay Rico

Miel Pangilinan
STAR/File

‘Kakatawa naman pala ang intriga na si Rico Blanco ang daddy ni Miel Pangilinan.

How pathetic.

Hahaha.

Kaya naman sinagot ni Miel ang matagal nang pang-iintriga sa kanya ng ibang netizens na pulos fake news ata ang binabasa.

Kasabay ng pasasalamat sa kanyang TikTok account sa parents na sina Sharon Cuneta at Atty. Kiko Pangilinan, naglabas na rin siya ng paglilinaw.

“Thank u for creating me. I’m forever thankful for the support I get from the both of you, I am who I am because of you. I love you both forever and ever,” kasama ang throwback photo nina former Sen. Kiko and Ate Shawie.

Hanggang ‘yun nga, may nagkomento tungkol kay Rico.

“Anak daw yan ni rico Blanco,” komento ng netizen.

Sinagot naman ito ni Miel ng “hindi daw sabi niya.”

Marami naman kaagad nagtanggol sa kanya.

“Yea. people’s chismis. wala namang evidence,” anang isa pa.

Nagkaroon diumano ng short romance sina KC Concepcion at Rico na jowa ngayon ni Maris Racal noong nakaraang panahon.

Paulit-ulit na itong nilinaw ni Sharon pero waley pa rin.

Show comments