Social media accounts ng Eat Bulaga, na-terminate!

Eat Bulaga Hosts

Nagulat ang mga taga-Eat Bulaga ng TAPE, Inc. nang biglang na-terminate ang kanilang YouTube channel nung Lunes.

Ang buong akala nila napapanood pa sila kanilang YouTube channel, ‘yun pala wala na.

Kinagabihan nakita naming wala na rin ang kanilang Facebook account.

Kung hindi ako nagkamali, magdadalawang linggo pa lang ang kanilang YouTube at Facebook, at marami-rami na silang subcribers at nagpa-follow sa kanila.

May mga pinagdududahan na sila kung sino ang may kagagawan nito, pero sinasabi sa kanila, na maaring kagagawan ito ng fans ng dating Eat Bulaga nina Tito, Vic and Joey.

Kapag may mass report daw kasi, kaagad na tini-terminate na ito. At maa­ring ‘yun ang nangyari sa kanila.

Kahapon ay sinusubukan nilang mag-FB live na lang muna sa account nina Paolo Contis at Isko Moreno, pero kay Yorme lang namin nakitang nagkaroon ng FB live ng Eat Bulaga.

Napa-“grabe” na lang si Paolo nang tinanong ko siya tungkol dito.

Basta tuloy lang ang laban nila, kahit nahaharap sila sa ganitong challenge.

Samantala, kasabay ng grand mediacon ng bagong noontime show ng TVJ kahapon, naglabas naman ng official statement ang ABS-CBN na mapapanood na sa GTV ang It’s Showtime dahil wala na sila sa TV5 simula July 1.

Piolo, makikipag-dance showdown!

Hindi na bago kay Piolo Pascual ang role na gagampanan niya sa pelikulang Mallari ng Mentorque Productions.

Napanood ko ang challenging role na ginampanan niya sa series nilang Flower of Evil kaya itong kuwento ng serial killer na tatlong karakter na gagampanan niya sa pelikula ay tiyak na kakayanin ng aktor.

Magaling naman ang direktor nitong si Derrick Cabrido na may gawa ng Clarita ni Jodi Sta. Maria na napakaganda rin.

Kaya excited kami sa project na ito na balak nilang i-submit sa Metro Manila Film Festival.

Sa nakaraang story conference ng Mallari, med­yo naninibago kami sa boses ni Papa P na parang galing sa pamamalat.

Katatapos lang ng musical play niyang Ibarra at nung huling gabi nito nung Linggo ay nanood ang anak niyang si Inigo Pascual na naka-bonding niya para i-celebrate ang Father’s Day.

May pa-Father’s Day gift pa si Inigo sa kanya na kuwintas na Infinity Zen Harmony.

Sabi ni Piolo, “I don’t wear jewelry. I don’t even wear je­welry, he gave mean Infinity necklace, so that’s why I’m wearing it.

“And he came to the show yesterday. He stayed. So he spent Father’s Day with me, and we told each other that every Father’s Day, we have to be together.

“And I was really happy he’s back. He’s been here for a week now. So we’re doing projects together as well.

“And he’s growing to be you know, ahh… a very talented young man. He’s turning 26 already and he’s doing a lot of projects here and in the States as well.

“So I’m just happy for you know, how he is evolving, how he is becoming independent, and a total performer actually, you know.

“He made me listen to his songs yesterday. And I said, ‘Ako na ang magpo-produce ng album mo.’

“Napakaganda ng mga songs that he composed. And I’m just really excited for what’s in store for him because he’s gonna release his album anytime soon.”

Bukod sa paghahanda sa pelikulang ito, may mga nakatakda pa siyang concert na ang isa ay makakasama pa niya si Inigo.

Magsasama sila sa All Star Concert sa Hulyo sa Amerika — Hulyo 14 sa San Jose, CA (San Jose Center for the Performing Arts), Hulyo 15 sa Seattle, WA (Tulalip Amphitheatre), at Hulyo 16 sa Temecula, CA (Pechanga Resort Casino).

Tampok din doon sina Catriona Gray, Sam Milby, Erik Santos, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Kyla, Jason Dy at Zephanie sa direksyon ni John Prats.

May upcoming two-night concert si Piolo sa Nobyembre sa Newport World Resorts, Pasay City.

Sana raw makakasama rin niya si Inigo rito.

“Sa November, hindi ko pa alam kung sino ang guests. Actually tomorrow pa lang ‘yung meeting namin with Mr. M, he’s the one directing it,” sabi ni Piolo.

“So I’m excited. In terms of guests, hopefully pumayag ‘yung anak ko. Pero nag-usap kami ni Kyle Echarri.

“Ang sabi niya, mag-dance showdown daw kaming tatlo. So, baka pumayag ako sa dance showdown with the two of them,” napapangiti niyang pahayag.

Show comments