Gardo Versoza inatake sa puso, sumailalim sa angioplasty

Ivy at Gardo
STAR/ File

Na-heart attack pala si Gardo Versoza.

Pero ok na siya, base sa kanyang post.

“thanks for everything shugs i love you thank you LORD thank you doctors #heartattack”

Ayon kay Tito Boy Abunda, sa kanyang Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ng misis nitong si Ivy Vicencio, na nanakit ang likod ng aktor, pero hindi raw agad ito nagpadala sa hospital dahil inaalala ng aktor ang kanyang taping the following day.

Pero napilit din daw itong pa-hospital at dinala na nga sa Cardinal Santos Hospital.

At doon daw nalamang may dalawang ugat sa puso si Gardo na barado.

Kaya sumailalim ito sa angioplasty.

Maraming nagulat na nagkaroon ito ng heart attack dahil physically fit ang actor at regular itong nagba-bike.

Show comments