Talbog... David Foster at Katharine Mcphee, nag-concert sa bahay ni Dra. Belo

Katharine at David
STAR/ File

Literal na bongga si Dra. Vicki Belo. Iba rin.

Nagkaroon lang naman ng private concert sa kanilang bahay sa Makati si David Foster and his current wife Katharine McPhee.

“Dream come true. David Foster playing on our piano,” sabi ni Dra. Belo sa kanyang IG story kahapon.

Dagdag niya pa “Just a casual Friday at home— @davidfoster and @katharinefoster jamming with our #piano

Entire household will be singing #Terrified until further notice”

Katatapos lang concert ang Canadian producer, composer, vocalist, at arranger sa bansa days ago, na mister ngayon ng mas batang singer na si Katharine McPhee.

Thirty five years ang age gap nila - Nob. 1, 1949 si Foster at March 25, 1984 ang birthdate ni Katharine.

Meron na silang isang anak.

Naging friend din ni Dra. Belo ang ex ni Foster na si Yolanda Hadid na nanay ng sikat na fashion model, Gigi Hadid, at kasalukuyang nakikipaglaban sa Lyme disease.

Show comments