Naku, Ateng Salve, sumasakit ang ulo ko dahil marami ang nangungulit sa akin kung ano raw ba ang reaksyon ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez sa poster ng Martyr or Murderer ng Viva Films and directed by Darryl Yap?
Noong media conference kasi ng pelikula sa Podium, may mga nag-react dahil ang laki ng picture ni Cristine Reyes na gumaganap na Imee Marcos-Manotoc sa nasabing pelikula, pero ang liit ng mukha ni Ruffa na gumaganap bilang ang very iconic na si Madame Imelda Romualdez-Marcos.
May mga nag-react nga, kasama na sina Gorgy Rula at Morly Alinio, and yes, Ateng Salve, hindi ako magpapakaplastik, na-hurt ako for Ruffa sa liit ng mukha niya sa poster na ‘yon, pero quiet na nga lang ako.
Anyway, maging si Direk Darryl naman ay nagsabing hindi niya approved ang nasabing poster na ‘yon. May iba siyang in-approve na nasa taas ang mukha ni Ruffa at kasinglaki ‘yon ng pictures nina Cesar Montano at Isko Moreno.
‘Yung pagiging malaki ng picture ni Cristine, given na naman ‘yon dahil mas istorya nga ni Senator Imee ang Martyr or Murderer at nag-shooting pa nga ang aktres sa Morocco.
Anyway, sabi sa akin ni Direk Darryl, ang poster daw na approved niya ang gagamitin na. Ilalabas na nga raw ‘yon, so, nakaka-happy naman dahil nabigyan na ng “justice” si Ruffa, huh!
Pati ang kampon ni Isko, hindi na rin magre-react dahil nasa taas na ang billing ng dating alkalde ng Maynila. In a very special role nga ang nakalagay kay Isko at nasa second line siya at nag-iisip, ‘noh?!
Sa unang poster nga, below the title ang pangalan ng actor-politician.
Actually, Ateng Salve, may nagkuwento nga sa akin na nag-react din daw si Cristine dahil sobrang laki ng mukha niya sa unang poster na lumabas. Nahihiya raw si Cristine sa mga kasamahan niyang artista na kasama sa Martyr or Murderer.
Anyway, sa March 1 na ipalalabas sa mga sinehan ang Martyr or Murderer at kahapon din ay inusisa namin si Direk Darryl dahil sa post niya na nakipag-lunch siya sa mga taga-Viva Entertainment.
Sabi niya, “A very special lunch with Viva Entertainment. A family day indeed #MOMnoCUTS.”
So nag-message ako sa direktor ng Martyr or Murderer at tinanong kung, “Nag-lunch na kayo, ok ka na, Direk? No cut na?” at sinagot naman niya ‘yon ng, “Yes... yes. Mamaya post ako.”
Wow, at least, matutuloy na ang showing sa March 1 ng Martyr or Murderer na hindi matatanggal ang eksenang ipinaglalaban ni Direk Darryl, huh!
So bongga!
Pelikula nila Lovi, naibenta na sa streaming platform
Showing pa rin ang pelikulang Latay nina Lovi Poe, Snooky Serna at Allen Dizon.
In fairness, ang ganda ng mga review sa pelikula.
Mukhang hahakot pa ng maraming awards ang Latay. Marami nga ang nagsasabing mapapansin ang akting nila rito. So bongga!
Siyempre, huwag na lang nating pag-usapan ang box-office result ng pelikula.
Ang maganda, naibenta naman ang TV at streaming rights ng Latay, kaya bawi na rin ang producer na si Baby Go.
‘Yun na!