Parang move on NA sa mister, Cristine mas sumeksi pa!

Christine

SEEN: May improvement na sa lighting ng studio ng ASAP dahil maliwanag na ito kaya hindi na dusa sa panonood ang viewers ng Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

SCENE: Idinadamay ang pangalan ni Cesar Montano sa gulo na kinasasangkutan ng kanyang anak na si Diego Loyzaga. Mali na idawit si Cesar o ang mga magulang sa mga pagkakamali ng kanilang mga anak.

SEEN: Seksing-seksi si Cristine Reyes sa dance number niya kahapon sa ASAP. Mas maganda at sexy ngayon si Cristine kesa noong dalaga pa siya. Sinasabing hiwalay na sa mister niyang si Ali Khatibi si Cristine.

SCENE: Responsible taxpayer si Kris Bernal kaya hindi ito natakot na ipagmalaki ang property na binili niya sa Amerika.

SEEN: May last song syndrome ang television commercial ni Maymay Entrata para sa brand ng isang tea drink. Kinakanta ng mga bata ang jingle ng television ad ni Maymay.

SCENE: Ang insensitive comments na kahit lumipat si Rayver Cruz sa ibang television network, hindi pa rin magbabago ang takbo ng career niya dahil kung talagang sisikat siya, noon pa sana.

SEEN: Isang matalik na kaibigan ni Sancho delas Alas ang gagawa ng suit na gagamitin niya sa church wedding nila ng kanyang fiancee na si Shanna Retuya sa December 10. Ayaw nang gumastos ni Sancho nang malaki dahil mas importante na paghandaan nila ni Shanna ang future nila.

SCENE: Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Cry No Fear sa Cinema 7 ng SM Megamall. Lead stars ng Cry No Fear sina Donnalyn Bartolome at Ella Cruz.

Show comments