Mangiyak-ngiyak
Pinagso-sorry at gustong makausap ni Dennis Padilla si Joshua Garcia para magkaalaman na kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ng anak niyang si Julia Barretto.
Pinaalalahanan din ng komedyante young actor tungkol sa napag-usapan nila noon na ‘wag na wag niyang sasaktan at lolokohin si Julia dahil lalabas ang pagiging action star niya.
“Naalala ko ‘yung sinabi ni Joshua, doon sa previous interview noong ni-replay ‘yung interview ko sa Magandang Buhay. Ang sinabi ko doon sa portion ng interview ko, ‘Basta huwag mo lang lolokohin ang anak ko, huwag mo lang sasaktan ‘yung anak ko,’ nakakatawa naman ako e, ‘dahil nagiging action star ako.’ Natuwa naman ako sa sagot niya, ‘Naintindihan ko naman, Tito Dennis. Hindi ka magiging action star. So ‘yun lang ang magiging message ko kay Joshua na ‘siguraduhin mo lang na hindi ako magiging action star kasi anak ko ‘yan. Saka may pinag-usapan tayo, Father’s Day ‘yun, hindi ko makakalimutan, nag-usap tayong dalawa, lalaki ka, lalaki ako. So kung magkakaroon ng problema eh kausapin mo rin ako kasi may pinag-usapan tayo. Iba ‘yung sinasabi ng personal kesa sa naririnig lang ang kuwento. Siyempre ayoko ko namang maging basis ang kuwento,” reaction ng komedyante sa nangyayaring hiwalayan umano nina Joshua at Julia matapos ngang mag-flirt daw ang young actor sa isang non showbiz girl.
As of presstime, ayon kay Dennis ay wala pa siyang natatanggap na tawag galing sa young actor.
Nagpapalitan daw sila paminsan-minsan ng messages kasi kinukumusta naman niya ang boyfriend ng anak kaya puwede siya nitong tawagan. “May number naman ako sa kanya kasi kinukumusta ko siya. I greet him once in a while,” sabi pa ni Dennis nang makausap namin sa taping kahapon ng comedy show na Funny Ka, Pare Ko.
Pero naniniwala si Dennis, “kung anuman ang problema nila, adult na sila.”
At ang payo niya sa anak : “Pag alam mong hindi ka na masaya, umalis ka na diyan. Ganun ‘yun ‘di ba. Kung mainit na ang kusina at hindi mo na kaya umalis ka na. Pero kung kaya mo pa ang init at masaya ka pa, stay within,” sabi niya.
Pero anong reaction niya nang mapanood ang interview ni Joshua sa Tonight With Boy Abunda?
“Wala ganito lang ang mukha ko,” sabay turo niya sa mukha na parang nakasimangot.
Naniniwala ba siya sa mga paliwanag nito?
“Nung umpisa hindi pero sa bandang huli, at nung sabihin ni Boy Abunda kay Joshua na ‘you have my respect’ so nung sabihin ‘yun ni Boy, sabi ko approved.”
Aminado rin siyang masama ang loob ko niya nung mga nakaraang araw.
“Nung isang araw ko pa ito gustong sabihin.”
Ano kayang puwede niyang gawin kay Joshua, “Kausapin lang. Saka may tatay din naman ‘yun. So I’m sure, ganun naman kaming mga lalaki, nung kabataan ko rin naman hindi naman ako ganun ka-perfect na tao, hindi ganun ka-straight na lalaki. Minsan din napapatid ka rin naman, naha-humps ka rin. Pero kailangan areglauhin mo agad. Ang tanong maareglo mo ba.
“Mag-sorry lang siya sa akin. Ok na ‘yun sa akin. Sabihin niya lang na ‘tito sorry nagkamali lang ako.’ Kaya nga may man to man talk ‘di ba. That’s more than a contract.
“Alam kong mahal na mahal ng anak ko Joshua,” ang pahayag pa niya.
Maging ang anak niyang si Julia ay wala pa ring sinasabi sa kanya.
Nang mag-dinner daw kasi sila para sa combined birthday celebration nila ni Julia, siya at Leon, ay naramdaman niyang ayaw nitong mag-kuwento nung Holy Wednesday. “So I felt na she doesn’t want to discuss, so pinutol ko na lang din out of respect.”
Funny ka dinagdag si Dennis
Matinding tawanan ang maaasahan sa ikalimang season ng Funny Ka, Pare Ko, sa CineMo dahil nga makakasama na nina Karla Estrada at Bayani Agbayani sina Dennis Padilla, It’s Showtime’s Funny One winner na si Donna Cariaga, at co-finalists ni Donna na sina Anthony Andres at James Caraan simula Abril 29.
Gaganap si Donna Cariaga bilang hugoterang probinsyanang pinsan ni Carla (Karla Estrada) na mahuhulog ang loob sa bagong caretaker ni Nonong (Nonong Ballinan) na si James (James Caraan).
Ngunit ang pagdating ni Dennis bilang ang corrupt na real estate tycoon na si Don Jovi ang yayanig sa mundo nina Carla at Bigboy (Bayani Agbayani). Plano ni Don Jovi na gawing shopping mall ang lupang kinatatayuan ng Delyon Eatery na pag-aari nila Carla at Bigboy. Pero dahil ayaw ng mag-asawa na ipagbili ang naipundar na negosyo, mapipilitan si Don Jovi na gumamit ng mga illegal na paraan para mabili ang lupa.
Tinanghal bilang Best Comedy Program sa 15th Gawad Tanglaw Awards noong 2017 ang Funny Ka, Pare Ko, ang unang sitcom sa Philippine digital free TV, samantalang nanalo namang Best TV Actor in a Comedy Program si Bayani Agbayani sa 25th KBP Golden Dove Awards.
Naka-ika fifth season na ang Funny Ka, Pare Ko ng CineMo na muling mapapanood simula Abril 29 (5-6 PM) sa ABS-CBN TVplus.