Angelica malalim na ang relasyon kay Glaiza

Angelica at Glaiza

Kaya pala

Ang tunay na pagkakaibigan nina Angelica Panga­niban at Glaiza de Castro ay hindi kayang buwagin ng kanilang magkaibang TV network na kinabibilangan. Si Angelica sa bakuran ng Kapamilya Network habang si Glaiza  naman ay isang Kapuso star.

Ayon kay Angelica, malalim na umano ang friendship nila ni Glaiza na umabot na ang 15 taon. 

Sina Angelica at Glaiza ay kama­kailan lamang nagtungo ng Bhutan para magbakasyon at nag-enjoy uma­no sila nang husto sa simpleng buhay ng lugar.

Bukod kay Glaiza ay malalapit ding kaibigan ni Angelica sina Agot Isidro, Kim Chiu at iba pa.

Si Angelica ay muling mapapanood sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na pinagsasamahan nila ni Judy Ann Santos with Joross Gamboa and JC de Vera. Ito bale ang first movie offering ng Star Cinema sa simula ng taong 2018.

Viva panalo kina Coco at Vice

Alam mo, Salve A., panalung-panalo ang Viva Films ni Boss Vic del Rosario sa dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) movies na Gandarrapido: The Revenger Squad na pinagbidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach at ang Ang Panday ni Coco Martin dahil co-producer sila (Viva Films) sa dalawang Top 2 movies ng festival.

Opening salvo naman ng Viva Films for the year 2018 ang pelikulang Mr. & Mrs. Cruz na pinangungunahan nina JC Santos at Ryza Cenon mula sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo ng Kita Kita fame. Ito’y line produced ng IdeaFirst Company ng mag-partner na sina Jun Lana at Perci Intalan for Viva Films.

Action nauuso na uli

Nagtapos na last Friday, ang panghapong teleserye ng ABS-CBN na Pusong Ligaw na tinampukan nina Beauty Gonzales, Bianca King, Sofia Andrea, Diego Loyzaga, Raymond Bagatsing, Joem Bascon, Enzo Pineda, Albie Casino at iba pa.

Ang Pusong Ligaw ay papalitan ng bagong serye na pinagbibidahan nina Julia Montes, Shaina Magdayao, Paulo Avelino, at Aljur Abrenica, ang Asintado kung saan din tampok sina Lorna Tolentino, Agot Isidro, Noni Buencamino at iba pa.

Samantala, balik sa pagdidirek ng isang bagong teleserye si Direk Lino Cayetano sa Asintado kasama si Direk Onat Diaz.

Kapansin-pansin din sa ilang serye na tumatakbo ngayon ang pagkakaroon ng mga action scene tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, ang Wildflower nina Maja Salvador at Joseph Marco, ang Ikaw Lang ang Iibigin nina Kim Chiu, Ge­rald Anderson at Jake Cuenca. 

May action component din ang magtatapos na Super Ma’am ni Marian Rivera maging ang nagtapos na serye na Alyas Robin Hood ni Dingdong  Dantes.

Show comments