Hindi lamang naman ngayon natalo ang isang kandidata ng Pilipinas sa isang international pageant. Pero siguro dahil lately ay nag-uuwi ang ating representatives ng korona o kung hindi man ay nakakabilang sa Top 5 winners kung kaya disappointed tayong lahat na kahit sa Top 15 ay hindi man lamang nakapasok si Mariel de Leon.
Aware tayong lahat na maganda’t matalino ang ating kinatawan. Hindi naman tayo magpapadala ng isang lesser beauty dahil galing sa Pilipinas (Kylie Verzosa) ang nagwagi ng korona noong nakaraang taon. Pero siguro kalabisang umasam tayo ng back-to-back win.
Let’s all be grateful na hindi naman nagpabaya sa kanyang obligasyon si Mariel. I-welcome natin siya sa hindi kagandahang resulta ng kanyang pagpunta sa Japan para sa pageant. Sayang lang dahil ‘di tulad ng maraming kandidata natin na puwede umulit at sumaling muli, hindi na niya ito maaaring gawin. Nanalo na kasi siya locally at natalo lamang internationally. Dapat mag-cocentrate na lang muna siya sa kanyang pag-aartista.
Charice burado na
Nalalagay na naman sa alanganin si Jake Zyrus dahil lamang nakasali siya sa listahan ng bibigyan ng istrelya at parangal sa huling linggo ng Nobyembre sa pagdaraos ng taunang Walk of Fame Philippines sa Eastwood City. Nauna nang mabigyan ng star si Jake nung Charice Pempengco pa lamang siya. Ibinaon na ba talaga sa limot si Charice ng board of trustees na pinamumunuan ni Kevin Andrew Tan kasama ang anak ng founder ng WOFP na si German Moreno na si Federico Moreno kasama sina Alice Bernardo, Marichu Maceda, Atty. Lito Go, Isko Moreno, John Nite, Joey Abacan, at Jose Miguel Moreno?
Iza puro sa maling lalaki napupunta
Isang malaking hamon para kay Iza Calzado na gampanan ang role ng isang babae na itinalaga na yata ng tadhana na maging malungkot sa buong buhay. Sa kagustuhang makapag-aral ay nagtrabaho bilang katulong sa bahay ng isang tiyahin, pero ni-rape siya ng asawa nito. Ibinalik siya ng tiyahin sa kanyang pamilya pero sa kanyang pag-uwi ay muli siyang nahalay ng isang lalaki na nakilala niya sa biyahe. Napilitan siyang makisama rito, pero ipinasok din siya sa prostitusyon. Na-involve rin siya sa isang pulis na sangkot sa mga bank robbery. Pawang mga hindi mabubuting lalaki ang nakilala niya.
Itinalaga na niya ang sarili sa kawalang pag-asa nang makilala ang isang ex-convict na hindi niya akalain ay magbibigay sa kanya ng bagong pag-asa.