Joey hindi na makawala sa Barbi!

Magkasunod na linggo ang playdate ng Trip Ubusan, The Lolas vs. Zombies at ng Barbi, D’ Wonder Beki kaya dalawang pelikula ni Paolo Ballesteros ang mapapanood sa mga sinehan.

Sa November 22 ang showing sa cinemas nationwide ng Trip Ubusan at sa November 29 naman ang playdate ng Barbi, D’ Wonder Beki pero nauna ito na magkaroon ng presscon kahapon.

Hapon ang presscon ng Barbi, D’ Wonder Beki dahil nag-adjust sa schedule ni Papa Joey de Leon na may special participation bilang mentor ni Paolo.

Hinintay muna na matapos ang hosting job ni Papa Joey sa number one noontime show ng bansa.

Hindi puwedeng mawala si Papa Joey sa presscon ng Barbi dahil siya ang original Barbi. Hindi mabubuo ang Wonder Beki kung wala ang karakter ni Papa Joey.

?Bianca sasabak sa kambal na role?

Nag-pictorial kahapon sa GMA7 ang cast ng coming soon primetime teleserye na pinagbibidahan nina Alfred Vargas, Carmina Villaroel, Gloria Romero, Miguel Tanfelix, at Bianca Umali.

Santa Santita ang working title ng project pero papalitan ito kaya wait na lang tayo sa official announcement ng Kapuso Network.

Nagsimula na ang taping ng teleserye na mapapanood simula sa November 27 at replacement sa Ang Pagbabalik ni Alyas Robinhood 2.

Challenging ang role ni Bianca dahil kambal ang karakter niya sa bagong programa ng GMA 7.

Asawa ni Carmina na biktima ng set up ang role ni Alfred sa Santa Santita.

Happy si Alfred dahil maganda ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

Timing ang pagdating ng Santa Santita dahil may panahon si Alfred para mag-taping dahil naka-recess ang Congress at mahaba-haba ang Christmas vacation.

Natutuwa ang aktor dahil da­lawa sa mga teleserye na pinagbidahan niya noon ang nagkaroon na ng remake at parehong bongga ang ratings, ang Encantadia at Impostora.

Sosyal ang unang version ng Impostora ng GMA 7 dahil nag-taping pa noon sa Singapore si Alfred at ang ibang stars.

Mariel gusto na raw tumira sa Japan?

Bukas na ang Japan trip nina Christopher de Leon at Sandy Andolong dahil manonood sila ng coronation night ng Miss International sa November 14 sa Tok­yo.

Nag-thank you si Boyet sa mga reporter na nakausap niya kahapon sa pictorial ng Santa Santita na nagsabi na ipagdarasal nila ang tagumpay ni Mariel sa Miss International.

Ikinuwento ni Boyet na enjoy na enjoy ang anak niya sa Japan as in gusto na nga raw ni Mariel na manirahan doon.

Show comments