Julian at Ella tinalbugan ang Lumuluha ni Sharon!

SEEN: Itinanggi ni former Senator Jinggoy Estrada ang pahayag ni Bong Revilla, Jr. sa media na nagbabalot na siya ng mga gamit niya sa PNP Custodial Center dahil sa kanyang nalalapit na paglaya.

SCENE: Teary-eyed si Atom Araullo nang magpaalam siya kahapon sa Umagang Kay Ganda. Umalis na si Atom sa ABS-CBN dahil lilipat siya sa GMA 7.

SEEN: Dalawang gabi, October 21 and 22, ang R3.0, ang dating one-night 30th anniversary concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena. Co-production venture ni Regine at ng Viva Live ang R3.0.

SCENE: Nanay ni Marian Rivera sa Super Ma’am si Dina Bonnevie. Hindi na dumalo si Dina sa grand presscon ng Super Ma’am dahil maigsi lamang ang participation niya sa bagong primetime telefantasya ng GMA 7.

SEEN: Ipinakikilala sa Super Ma’am si Enrico Cuenca na na-discover dahil sa popular commercial niya para sa isang fastfood company. “Jake” ang pangalan ng karakter ni Enrico Cuenca sa Super Ma’am.

SCENE: May dapat pangambahan si Sharon Cuneta dahil mas mataas ang box-office gross at mas marami ang sinehan ng FanGirl/FanBoy nina Julian Trono at Ella Cruz kesa sa kanyang indie movie, ang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha. Magkasabay na nagbukas sa mga sinehan noong September 3 ang FanGirl/FanBoy at ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

SEEN: Sa September 27 ang playdate sa mga sinehan ng Last Night, ang Star Cinema movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Si Bela Padilla ang sumulat ng kuwento ng Last Night.

SCENE: Hindi binili ng fans ni Sharon Cuneta ang brilliant explanation ni Gabby Concepcion na nahihiya ito sa GMA 7 kaya hindi niya tinanggap ang reunion movie nila sa Star Cinema. Mas kumbinsido ang fans ni Sharon na talent fee ang tunay na dahilan ng pag-atras ni Gabby.

Show comments