PIK: Dumalo si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa event ng PLDT nung nakaraang Huwebes, pero todo iwas ito sa media na gustong mag-interview sa kanya. Obvious na ayaw niyang sagutin ang isyu sa kanyang half brother at madrasta na umalma sa kuwento niya sa Maalaala Mo Kaya (MMK).
Nakorner pa rin siya ng reporters pero ang isyu tungkol sa pagkaka-hold uli dito ng Miss Universe ang sinagot niya na hintayin na lang daw ang official announcement ng Miss U kung dito nga ito gagawin.
Naging usap-usapan nga ito ngayon, kaya ang reigning Bb. Pilipinas-Universe na si Rachel Peters ang isa sa hiningan ng reaksyon. Ayaw daw niyang magpa-pressure sa ideyang iyon dahil naisip niya mas okay nga raw kung dito ito gagawain.
Ani Rachel; “I’m psyching myself up. I wanna go in a very positive mindset and that’s the thing that I’ve working on since the day that I won. That’s the main thing that I’ve been focusing on.
“Actually, nung una sana hindi. Kasi originally I wanted to be in Vegas. But then I’m actually super working out the idea na lahat na kaibigan ko, lahat na family ko, they’re all gonna be here.”
PAK: Sobrang sakit sa ulo ang inabot ng mga executive ng isang malaking kumpanya na kumuha sa isang sikat na aktor para maging endorser nila. Ang nag-close kasi nito ay isang talent manager na close sa aktor na ito.
Pagkatapos daw nilang magkasundo sa serbisyo nitong aktor at nakapag-pictorial na, wala na raw silang naibigay na schedule dahil sobrang hirap daw kausap nitong talent manager na nag-close ng contract.
Kailangan pa sana nila ng press launch, at ng isang activity na dadaluhan ng aktor, pero lumagpas na sila sa deadline, wala pa ring naibigay na schedule si talent manager.
Ipinarating na ng kumpanyang ito sa totoong manager ni actor, wala siyang nagawa dahil ang kaibigang talent manager daw ang nag-aayos nito, kaya ayaw niyang pakialaman.
Ilang buwan na lang matatapos na ang kontrata ni aktor sa kumpanyang ito, wala pa rin silang naibigay na available schedule para sa launch at kahit isang activity ng naturang kumpanya.
Ayaw na sana nilang paabutin sa demandahan, pero baka mapilitan na raw sila dahil sa napakahirap na raw kausap itong talent manager na nag-close ng kontrata. Gusto nilang buweltahan itong talent manager na hindi na raw sila kinakausap nang maayos.
BOOM: Marami ang natuwa sa ginawang pagdalaw ni Angel Locsin sa mga Bakwit na mga kababayan nating Muslim ng Marawi.
Sumabay si Angel sa DSWD na dumalaw at nagbigay ng tulong sa mga Bakwit na pansamantalang nakatigil sa Iligan City. Puring-puri nga si Angel ng DSWD Secretary Judy Taguiwalo dahil kahit papano ay napasaya niya ang mga kababayan nating taga-Marawi na naapektuhan ng kasalukuyang giyera sa naturang lungsod.
Ang daming pumuri kay Angel na nagbigay ng mensahe sa kanyang ipinost sa kanyang Instagram account.
Ang napabalitang boyfriend nitong si Neil Arce ay nag-comment ng “Good job! Uwi na!”
Pati si Jennylyn Mercado ay nag-comment din ng tatlong hearts sa isang IG post ni Angel na kuha sa Marawi City at may caption na “kapayapaan”.