MANILA, Philippines - “Tanggap ko naman kung anong mangyayari. It’s a matter of conviction and I’m ready to accept the consequences. But at the end of the day, nakataas ang noo kong lalakad,” pahayag kahapon ni Cong. Vilma Santos sa pagboto niya ng No sa pagpasa ng Death Penalty bill na nangyari nung Tuesday afternoon kung saan nanalo ang Yes.
Kasama si Ate Vi sa 54 na representatives na bumuto ng No kasama si Cong. Lito Atienza na nakita rin namin sa Congress kahapon. “I believe that everyone has the right to become productive members of society. Everybody deserves a chance to correct their mistakes.
“Reformation. Rehabilitation. Reintegration. Those are the three processes that I believe in.
“Ang feeling ko kasi may second chance naman. Naniniwala ako na may pag-asa pa,” dagdag pa ni Cong. Vi na nakasanayan nang tawaging Ate Vi ng mga kaibigan sa showbiz.
Kaya nga kahapon nang makatsika namin sa office niya sa Congress, nagbiro itong baka hanggang today na lang ang pagiging Chairman niya ng Civil Service and Professional Regulation Committee. Vice Chairman naman siya sa Globalization and World Trade Organizational (WTO) and Local Government.
Nagpahayag kasi si Speaker of the House Pantaleon Alvarez na lahat ng boboto ng No sa death penalty, automatic na mawawalan ng chairmanship sa congress.
Eh bukod sa pagiging chairman and vice chairman, member din siya ng sampung committee.
Anyway, more than 100k din pala ang suweldo ng isang kongresistang tulad niya pero more than half ang deductions nito dahil sa iba’t ibang contribution sa kanyang kinaanibang partido.
Pero alam n’yo bang muntik na pala siyang hindi noong matuloy kumandidato sa Congress?
Gusto na raw sana niyang magpahinga sa pulitika dahil parang naba-burn out na rin siya, mula sa tatlong term bilang Mayor at tatlong beses din na gobernador. Gusto na lang sana niyang mag-produce ng indie films at mag-travel.
Pero nang maramdaman niya ang clamor ng mga kababayan, itinuloy na niya.
Although malayo sa pagiging local official ang responsibilities sa Congress dahil nga legislative – gumagawa ng batas – kinailangan niyang mag-aral. “Kasi kung hindi ka naman mag-aaral magmumukha kang stupid,” tsika pa ng walang kupas na Star for All Seasons.
At siyempre hindi nakalampas si Ate Vi tungkol sa anak na si Luis Manzano.
Nasabi na ba niya kay Jessy Mendiola (GF ni Luis) na gusto na niyang magka-apo?
“Nung Sunday nasa bahay sila. Pero hindi ko sa inyo sasabihin,” tumatawang sagot ng aktres na aminadong nami-miss na rin ang showbiz kaya tinanggap niya na maging member ng Executive Committee ng 2017 Metro Manila Film Festival.
“Kung saan maligaya si Luis susuportahan ko siya,” pahabol niyang sabi nang pilitin naming tanungin kung pakakasal na ba ang dalawa.
In any case, alas-5:00 na kami ng hapon umalis ng Congress kahapon kung saan dinala pa kami ni Ate Vi sa Plenary Hall pero hindi pa rin nag-uumpisa ang session at mabibilang pa sa kamay ang mga kongresistang nasa session hall.