PIK: Diretso ang pahayag ni Edgar Allan Guzman na uunahin muna niya ang pamilya bago raw niya planuhin na mag-settle down o mag-asawa. Sa presscon ng pelikulang kinabibilangan niya na Tatlong Bibe at magsu-showing sa March 1, masaya niyang ikinuwentong nakabili na siya ng lupa at ang susunod niyang plano ay patatayuan niya ng bahay ngayong taong ito.
Kaya sinikap niyang makabili ng lupa dahil gusto niyang tuparin ang pangarap ng namayapa niyang ama na maipagpatayo sila ng bahay sa sariling lupa. “Yun kasi ang pangako ng Daddy ko sa Mommy ko, gusto ko ako ang makabigay sa kanya. After nun sarili ko na,” pakli ni EA.
Matagal pa raw bago niya planuhin ang magtayo ng sariling pamilya dahil okay pa ang career niya sa ngayon at marami pa siyang pangarap sa kanyang pamilya. “Hindi naman ako ‘yung magdyu-dyowa tapos bubuntisin ko tapos pakasal na agad. Hindi naman po sa ganun.
“Ako ngayon, pamilya muna bago ang sarili ko,” dagdag na pahayag ng isa sa mga bida ng Tatlong Bibe.
PAK: Bakit kaya ikinakalat sa social media na meron daw sex video sina Vice Ganda at Ronnie Alonte? Pinag-uusapan ito ng ilang netizens, pero wala namang lumalabas. Ang sabi ng isang kaibigan namin, ipapakita raw niya ang video, pero wala naman siyang mailabas.
Ang ipinakita niya ay ang bagong version ng sex video ni Michael Pangilinan na parang may ka sex chat ito. Sabi sa amin ni Jobert Sucaldito, ito pa rin daw ‘yung dati. Baka hinati-hati lang daw.
Sure naman siyang hindi ito gagawin uli ni Michael pagkatapos niyang maiskandalo ng video dati.
Maiksi lang ang huling version ng sex video ni Michael, pero mas nakakaelya sa mga bading na nakapanood nito. Naka-focus talaga ang sandata niya kaya naman naglaway-laway ang mga kabadingan.
BOOM: Matindi ang patama ni Irma Adlawan kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño na sinasabi niyang pinalaki ang isyu ng cruelty to animals sa pelikula nilang Oro. Sa panayam ni Kara David ng News To Go kina direk Alvin Yapan at Irma kahapon ng umaga, deretsahang sinabi ni Irma na hindi muna dapat ipinarating ni Liza sa social media ang isyu kaya ang daming nakisawsaw at nakisakay sa isyung ito. Saad ni Irma, “Actually, sinabihan ko si Liza Diño na ‘hindi mo dapat ipinost sa social media even before makapag-meeting.
“Kasi humingi po ng meeting ang MMFF (Metro Manila Film Festival) na sinabi ko talaga na ‘this is the proper venue para tayo mag-usap-usap harap-harapan, alamin kung ano ang katotohanan. Kasi ‘pag ginamit mo na ang social media, ang dami nang sasawsaw eh.
“For her to be the chairperson of the FDCP, dapat alam n’ya ‘yung responsibilidad niya. Hindi siya dapat nagpu-post ng ganun even before conducting an investigation within ‘di ba?
“Kinausap pa siya na puwede bang meeting muna bago mag-react? Explain muna ang side namin kung ano talaga ‘yung nangyari.
“Pero heto siya, lo and behold she used it. So, ano pa ba ang magagawa namin?
“Kaya pagdating namin sa meeting, wala na, ang dami nang nagba-bash, gusto nang patayin si direk.
“You have to know your responsibility.”
Kaya naharap na raw sila sa trial by publicity at nahusgahan na sila agad nang hindi nila naipaliwanag nang maayos ang kanilang panig. Pero sa interbyung iyon ay inamin ni direk Yapan na meron talagang asong napatay pero hindi raw sila ang gumawa. Kinunan lang daw nila ang ritual.
Hindi raw totoong dalawa, kundi isang aso na talagang nakatakdang patayin daw sa isang ritual ng isang lamay ang kinunan nila.