MANILA, Philippines - Sa pamamagitan ng legal counsel niyang si Atty. Ferdinand Topacio, nag-iimbita si Claudine Barretto sa kanyang bahay mamayang gabi.
Ilang mga kaibigan sa entertainment press ang pinaimbitahan ni Claudine, pero noong isang araw ay nakatanggap kami ng text mula kay Atty. Topacio na hindi raw ‘yon matutuloy.
Hindi raw kasi maaasikaso ni Claudine sa ngayon ang pagharap sa mga kaibigan niya sa entertainment press dahil abala siya sa pag-aasikaso sa inang si Inday Barretto.
May sakit daw kasi si Mommy Inday.
Inusisa naman namin si Atty. Topacio kung ano ang sakit ng nanay ni Claudine, pero hindi na niya kami nasagot.
Lately, walang social media post si Claudine at marahil ay totoong inaasikaso nga niya ang inang may sakit.
To Mommy Inday, get well soon!
Gretchen sa California nag-Christmas
Sa South Lake Tahoe, California naman nag-Christmas si Gretchen Barretto kasama ang mag-ama niyang sina Tonyboy at Dominique Cojuangco.
Um-attend sila sa kasal ni Alyanna Martinez (anak nina Albert Martinez at ang yumaong si Liezl Sumilang-Martinez) sa kilalang photographer na si Roy Macam.
Saan kaya sasalubungin ni Gretchen at ng kanyang mag-ama ang New Year?
Pagkatapos ng pray-over
Anak nina Sarah at Richard nakalabas na ng ospital
Nakalabas na ng ospital si Zion Lahbati kahapon.
Naospital si Zion noong December 24.
Kuwento ni Richard, noong Christmas day, prinay-over ng isang pastor si Zion at kahapon nga ay okey na ang anak nila ni Sarah Lahbati.
Sobrang nag-worry ang fans sa pagkakasakit ng bata.
Napakaraming fans ni Zion sa social media at karamihan sa kanila ay umaasang mag-aartista na sa pagpasok ng 2017 ang anak nina Richard at Sarah.
Kung si Annabelle Rama ang tatanungin, gusto na niyang gumawa ng pelikula ang kanyang apo, pero sina Richard at Sarah ang hindi pa yata kumbinsido!
Dedma sa bagyo, James at Nadine lagare sa taping!
Kesehodang marami na ang nasa bakasyon dahil Christmas season at holiday pa kahapon, may taping pa rin sina James Reid at Nadine Lustre ng Till I Met You ng ABS-CBN.
Kahit nga may bagyo kahapon, ginawan na lang daw ng paraan na puro indoor scenes ang kinunan nila.
Doon daw sa location nila sa may Paltok, Quezon City, medyo inulan sila, pero noong nasa may Fairview area na sila ay hindi na raw masyadong umulan.
Kuwento sa amin ng isang staff na nakatsikahan namin, halos wala raw silang advance taping, kaya hanggang sa December 30 pa raw ang taping nila at next week daw, taping na naman sila.
Wala naman daw reklamo ang mga artista dahil kailangan daw talaga ‘yon dahil “hand-to-mouth” ang drama nila dahil karamihan sa mga eksenang kinukunan nila ay ipinapalabas kaagad!