Seen: Matamlay ang opening day ng 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 25 dahil walang pila ng moviegoers sa karamihan sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng mga pelikula na kasali sa MMFF 2016.
Scene: “Change has come” sa Metro Manila Film Fetsival 2016 para sa isang entertainment columnist na naniniwala na barya-barya ang kinita ng 42nd Metro Manila Film Festival kung ikukumpara sa box office gross sa mga nakaraang MMFF.
Seen: Ang unofficial report tungkol sa first day gross ng eight film entries sa MMFF 2016:
Vince & Kath & James, Php17 million, Die Beautiful, Php10.5 million, Ang Babae sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough, Php9.4 million, Seklusyon, Php8.5 million, Saving Sally, Php1.8 million, Oro, Php600,000, Kabisera, Php450,000 at Sunday Beauty Queen, Php4,000.
Scene: Ang pasasalamat ng newcomer na si Christian Bables dahil sa mga papuri sa pagganap niya sa Die Beautiful. Malaki ang dapat ipagpasalamat ni Christian sa mga producer ng Die Beautiful dahil challenging ang role na ibinigay sa kanya sa pelikula.
Seen: Ang resulta ng MMFF 2016 ang ebidensya na hindi madidiktahan ang manonood sa mga pelikula na nais nila na panoorin.
Scene: Ang report ng Star Cinema na pumalo sa P500 million noong Christmas Day ang box office gross ng The Super Parental Guardians na mapapanood sa mga sinehan sa probinsiya.
Seen: Sumakabilang-buhay noong Pasko si George Michael. Hindi sinabi ng mga kamag-anak ng sikat at kontrobersyal na 53-year-old English singer ang tunay na dahilan ng pagpanaw niya.
Scene: Paulit-ulit na pinatugtog kahapon sa FM stations ang Last Christmas, ang Christmas song ni George Michael noong member pa siya ng Wham bilang tribute sa kanyang pagpanaw. Hit song ang Last Christmas noong 1984.