Eveready nagbigay ng instant saya

MANILA, Philippines – Kasabay ng Eveready Sugod Sari-Sari Store na segment ng Eat Bulaga kung saan pinagkalooban ng Eveready ng limanglibong-piso at gift pack ang tin­dahan na may pinakamagandang Eveready pro­ducts display sa Dream Land Subdivision, Taguig ay isi­nagawa ang Eveready Battery Game. Isa nga sa 220 na nanalo ng instant Eveready One Light LED si Marissa Bunyi.

Ayon sa mga residente, laking-tuwa nila dahil sa simpleng mechanics ng laro kung saan kinakaila­ngan lamang nilang maihulog ang dalawang malalaking Eveready batteries sa butas mula sa tamang taas na sukat. Ayon kay MJ Ti­quia, brand activations manager ng Eve­ready, “Bukod sa patuloy na pagpapaigting sa kalidad ng ating mga produkto upang higit pang masi­gurado na panalo ang pamilyang Pilipino, nais din ng Eveready na sa simpleng palarong ito, nabibigyan natin ng instant na ligaya ang mga residente.”

Show comments