Pinaghahandaan na ngayon ni Enchong Dee ang bagong pelikulang pagtatambalan nila ni Kiray Celis. “Nag-script reading na kami, nag-bonding na kami with the cast. We need that chemistry not only as a love team I guess but it’s more of the friendship with the other cast also and the director because it’s again an unidentified territory with me. It’s going to be with Regal (Films), something really new to me,” pagbabahagi ni Enchong.
“Feeling ko madali lang sa amin ‘yun ni Kiray. Kasi nga hindi naman siya talaga love story, it’s horror. It’s comedy but underlying story is love story. So ‘yon ‘yung exciting part do’n,” dagdag pa ng aktor.
Bukod sa isang bagong pelikula ay nakatakda ring mag-release ng bagong album ni Enchong sa susunod na buwan. Bahagi raw ito ng selebrasyon ng aktor sa kanyang ika-sampung taon sa show business. “We actually had a meeting kung paano namin ipa-plot out ‘yung buong release because it’s hard kasi nagsabay-sabay siya. But definitely who will be seeing me for the next three or four months every weekend kasi nga I will be promoting an album. I’m excited because it’s more mature. Sa cover pa lang makikita n’yo how much it really is. It’s something that I want to give to my fans for my tenth year,” nakangiting pahayag ni Enchong.
Jason pangarap magseryoso
Masayang-masaya si Jason Francisco dahil kabilang siya sa teleseryeng My Super D na pinagbibidahan ni Dominic Ochoa. Proud na proud si Jason dahil nakatrabaho na raw niya sa mga teleserye ang mga pinakasikat na tambalan ngayon sa telebisyon. “Sobrang proud po ako sa ginagawa ko ngayon kasi unang-una nag-LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil sa Forevermore). Ako ‘yung sidekick ni Enrique. Tapos sa JaDine (James Reid at Nadine Lustre sa On the Wings of Love) rin. Tapos ngayon kay Kuya Dom naman. Sa KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) na lang ang hindi pa. Kahit paano laging kasama ng bida. Happy na ako kasi ‘yung nagiging role ko naman po parang may saysay din. Saka mahahaba din ‘yung lines,” natatawang pahayag ni Jason.
Nangangarap din ang komedyante na mabigyan ng seryosong role sa Maalaala Mo Kaya at maging dramatic actor. “Gusto kong gumanap ako do’n bilang seryosong aktor. Hindi pa kasi ako nabibigyan ng seryosong role do’n. Hindi kasi seryoso ang tingin nila sa akin eh pero hindi nila alam kung gaano ako kalalim sa personal. ‘Pag MMK kasi parang ang galing mo na eh. ‘Yung kahit makaisang MMK ka lang sa buhay mo, okay na,” pagtatapat ni Jason.