KC hindi kasama sa panday ni Richard!

MANILA, Philippines – Si Mr. Vic del Rosario ang nagkumpirma na hindi si KC Concepcion ang magiging leading lady ni Richard Gutierrez sa pagbabalik ng Panday na eere sa TV5.

Nagkaroon kasi ng idea ang marami na baka si KC dahil wala naman itong show sa ABS-CBN at nakitaan sila ng malakas na chemistry ni Richard nang maging host sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night kamakailan.

Pero mismong si Boss Vic, ang Chief Strategist ng TV5, ang nagsabi na hindi si KC dahil pipirma ito ng panibagong kontrata sa ABS-CBN though wala pa siyang nabanggit na detalye tungkol sa nasabing renewal ng contract ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Ang sabi ni Boss Vic, hindi lang isa ang magiging partner ni Richard sa pinakamalaking project niya sa TV5.

Walong show ang gagawin ng Viva for TV5 at isa nga rito ang Panday at ang nagkaroon ng presscon kahapon na Born to be a Star.

Anyway, kilala sa industriya ang Viva sa pagtuklas ng mga world-class Filipino performer tulad nina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Rachelle Ann Go, Mark Bautista, and Sarah Geronimo.

At ngayong taon, ipagpapatuloy nila ang tradisyon sa pagtuklas ng bagong singing superstar na mapapanood tuwing Sabado, starting February 6, sa TV5.

Si Ogie Alcasid ang host at magsisilbing hurado sina Pops Fernandez, Rico Blanco, Aiza Seguerra, and Andrew E.

May isang weekly winner ang programa hanggang mapili at tanghalin ang ‘ultimate star.’

Aabot sa P3 million ang iuuwi ng grand winner.

Ang TV5 ay mapapanood sa mga sumusunod na cable channels : Cignal TV, Channel 5; Destiny Cable, Channel 6 (Analog), at Channel 10 (Digital) at sa Sky Cable, Channel 10.

Star Wars balik na sa mga sinehan

Babalik sa mga sinehan ang Star Wars: The Force Awakens starting Friday.

Kaya lagot na ang mga pelikulang talagang nangulelat sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Tinanggal muna sa mga sinehan ang The Force Awakens nang um­pisahan noong Pasko ang MMFF.

Nag-no. 1 sa MMFF ilalabas na

The other day ay naglabas uli ng kinita ang MMFF sa kanilang Facebook account pero in no particular order pa rin. Wala silang kinukumpirma kung sino talaga ang no. 1.

Heto ang kinita ng mga kasaling pelikula as of the other day:

MMFF 9-Day Gross (December 25, 2015 - January 2, 2016)

P834 Million

Top 4 Films (in no particular order)

My Bebe Love?

Beauty and the Bestie?

Haunted Mansion??

?#WalangForever

Pero this Friday daw, daw ha, ay maglalabas ng individual na kita ng pelikula ang MMFF. So malilinawan na kung ano ba ang nag-no.1 – My Bebe Love o Beauty and the Bestie.

Hindi raw kasi nagkakalayo ang kita ng dalawang pelikula ayon sa isang source.                                                                      

Show comments