Kapalpakan at reklamo sa MMFF walang masisi

Ngayon dapat ay magkaalaman na kung sino talaga ang mga tao sa likod ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015. Kapag may aberyang nangyayari, tulad ng reklamo ng mga gumawa ng Honor Thy Father, walang masisi, walang maituturong culprit kundi ang MMFF lamang.

Dapat siguro ay lumitaw na at sumagot na ang mga may kinalaman sa gulo at iskandalo na kinakaharap ng MMFF para naman maayos ito. Ayaw naman siguro ng MMDA na maging last MMFF na ito noh!

#WalangForever parang matutulad ang kapalaran sa EOP

Siguradong mangyayari na naman sa #WalangForever nina Jennylyn Mercado at Je­richo Rosales ang naranasan ng English Only, Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay kung saan sa pamamagitan lamang ng word of mouth nagsimulang dumami ang ma­nonood ng pelikula.

Mag-grant ang wish ng prodyuser ng pelikula na huwag dalawang pelikula lamang ang panoorin sa MMFF.

Show comments