Anne kasama sa Top 50 Smartest Celebrities on Twitter ng Time magazine

SEEN: Replay ang Dyesebel noong Miyerkules ng gabi dahil ang episode noong Martes ang ipinalabas ng ABS-CBN. May kinalaman pa rin ang typhoon Glenda sa replay ng Dyesebel.

SCENE: The who si Chris Algieri, ang tanong ng fans ni Congressman Manny Pacquiao. Si Algieri ang 30-year old American boxer na pinili ni Pacquiao na makalaban niya sa November 23 sa Cotai Arena, Macau, China.

SEEN: Very Dra. Vicki Belo ang karakter ni Kuh Ledesma sa My Destiny ng GMA 7, isang beauty doctor na nakikipagrelasyon sa lalaki na mas bata sa kanya.

Si Ervic Vijandre ang gumaganap na obsessed lover ni Kuh sa My Destiny.

SCENE: May double meaning ang headline na Enchong Dee’s secret is finally out ng isang entertainment website.

“Mapagbiro si Enchong” ang reaksyon ng mga tao sa kanyang pag-amin na may girlfriend na siya.

SEEN: Hindi mabenta sa readers ang pralala na gusto ni Piolo Pascual ng girlfriend na nasa 20’s ang edad.

Naghawak-kamay ang mga tao na nakabasa sa bagong pahayag ni Piolo tungkol sa kanyang love life.

SCENE: Kasali si Anne Curtis sa listahan ng 50 Smartest Celebrities on Twitter ng Time Magazine. Nasa 28th spot si Anne na may 6.6 million followers sa Twitter.

SEEN: Ang report ng Box Office Mojo sa box office gross ng mga pelikula na ipinalabas sa Philippine theaters noong June 18 hanggang June 22:

Show comments