Dading at My BFF stars, biyaheng Norte

MANILA, Philippines - Matapos ang kanilang successful launches, ang mga bida ng drama series na Dading at My BFF ay magwi-weekend sa Norte para makasama at makipag-bonding sa kanilang fans.

Ngayong June 28, ang cast  ng Dading sa pangunguna ni Gabby Eigenmann, kasama sina Glaiza de Castro, Benjamin Alves, at Chynna Ortaleza, ay bibiyahe papunta sa CSI the City Mall ng Dagupan para makisaya sa mga Dagupeño sa isang Kapuso Mall Show na magsisimula ng 4 p.m.

Samantala sa Ilocos Sur, ang mga Kapuso actress na sina Kris Bernal, Bela Padilla, at LJ Reyes ay pagbibidahan ang isang all-female show sa CSI Candon, Candon City. Ito ay magsisimula sa ganap na 3:00 pm ng parehong araw, at ang tatlong sexy ladies ay tiyak na paiinitin ang venue sa kanilang performances para lamang sa mga Ilokano.

Sa Linggo naman, June 29, tampok sa Magic Mall Urdaneta ang masayang cast members ng My BFF na sina Jillian Ward, Mona Louise Rey, Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Hiro Peralta, at Mariel Pamintuan sa isang show na magsisimula ng 3:00 p.m. Kasabay din ng nasabing mall show ang auditions para sa promising child actors na bibida sa remake ng 80s hit series na Yagit. Ang mga interesadong mag-audition  ay inaanyayahang bumisita sa Magic Mall Urdaneta mula 10 a.m.

At sa darating namang Miyerkules, July 2, sina Thea Tolentino, Derrick Monasterio, at Andre Paras naman mula sa The Half Sisters ang magpapahanga sa mga Panga­sinense sa isang mall show sa Nepo Mall Alaminos.

Mapapanood angThe Half Sisters at Dading mula Lunes hanggang Biyernes pagtapos ng Eat Bulaga; ang My BFF naman ay mapapanood bago ang 24 Oras.

Show comments