Willie nagsalita, P600M na ang naipatalo sa Casino?!

Touched na touched ako sa surprise guesting kahapon ni Willie Revillame sa birthday celebration ko kahapon sa Startalk.

Kausap ko kasi si Willie noong Sabado. Tumawag siya sa cell phone ko at binati niya ako ng happy birthday. Hindi raw niya ako mababati sa actual birthday ko sa May 20 dahil pupunta siya sa Macau para sa isang importante na business meeting.

 Kaya naloka ako nang umapir kahapon si Willie sa Startalk with matching bouquet of flowers.

Pero imbes na ako ang mag-interbyu kay Willie, siya ang nag-interbyu sa akin dahil inungkat niya ang mga kagagahan ko noong araw. Wala akong choice kundi sagutin ang lahat ng mga question niya.

Pagkatapos ng interbyu sa akin ni Willie, siya naman ang kinulit ko tungkol sa tsismis na P600 million ang ipinatalo niya sa casino.

Walang idinenay at walang inamin si Willie. Basta ang sabi niya, nag-enjoy lamang siya dahil sa loob ng siyam na taon, puro trabaho ang kanyang inatupag.

Nag-promise si Willie na ipakikita nito sa Startalk ang lahat ng mga bagay na pinagkakaabalahan niya, lalo na ang super-sosyal hotel sa Tagaytay City.

Kinukumbinsi ni Willie si Heart Evangelista na idaos ang wedding reception nito sa kanyang high end hotel sa Tagaytay. Pinaplano na kasi nina Heart at Senator Chiz Escudero ang kanilang pagpapa­kasal na posibleng mangyari sa 2015.

Raymart kinontra ang mga pinagsasabi ni Claudine

 Ako ang nag-interbyu kay Raymart Santiago noong Sabado tungkol sa bagong problema nila ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto.

 â€œMahal mo pa ba si Claudine?” ang isa sa mga intriguing question ko kay Raymart na sumagot ng “Mahal ko ang mga anak ko.”

Dahil sa sagot ni Raymart, nagduda ako na nawala na ang pagmamahal niya sa asawa na maraming kasalanan ang ibinibintang sa kanya. Kinumpirma ni Raymart ang duda ko nang sabihin niya na wala na siyang nararamdaman na pagmamahal kay Claudine dahil sa rami ng mga ginawa nito laban sa kanya.

 Itinanggi ni Raymart na may kinalaman siya sa claim ni Claudine na nakarinig ito ng mga gunshot dahil may nagtatangka sa kanyang buhay.

Ang sabi ni Raymart, gumawa siya ng sa­riling imbestigasyon kaya nalaman niya na walang nagpa­putok ng baril na malapit sa kanilang bahay sa Loyola Grand Villas at kontra ito sa kuwento ni Claudine.

Desidido si Raymart na ipagtanggol ang sarili laban sa mga akusasyon sa kanya ni Claudine.

Mabigat ang kalooban ni Raymart dahil matagal na mula nang makita niya ang kanyang mga anak na sina Sabina at  Santino.

Nalulungkot daw siya dahil wala na silang communication ng mga bata. Nang magpadala raw siya ng bulaklak sa school ng mga bata, two weeks na hindi pinapasok ni Claudine sa school ang kanilang mga anak. Hindi rin tinanggap ang mga birthday gift na ipinadala niya para kina Sabina at Santino.

May imbitasyon si Claudine kay Raymart para panoorin nito ang dance recital ni Sabina sa Smart Araneta Coliseum sa May 29. Nag-aalala si Raymart na kung pupunta siya sa dance recital ni Sabina, baka may gawin na naman si Claudine.

Medyo naudlot ang airing kahapon ng exclusive interview ko kay Raymart dahil nagkaroon ng technical problems na normal na nangyayari sa isang live show na gaya ng Startalk.

Humingi kami ng paumanhin sa televiewers na muntik nang mabitin sa panonood  sa exclusive interview ng Startalk kay Raymart.

Show comments