Napolcom, IBP may libreng legal assistance sa mga pulis - Calabarzon

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Magandang Balita!  

Parehong kinilala ng National Police Commission (Napolcom) at Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Manila Chapter ang pangangai­langang magbigay ng libreng legal aid services para hindi lamang sa mga biktima ng pang-aabuso ng pulisya kundi maging sa mga miyembro ng PNP sa rehiyon ng Calabarzon.

Kamakailan, ang Napolcom sa pamumuno ng regional director na si Dr.III Owen De Luna, at IBP sa pangunguna ni Chapter President Atty. Maria Elena Francisco at Chairperson for legal Aid, Atty. Orlalyn Suarez-Fetesio ay nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement para sa libreng serbisyong legal. 

Ayon kay De Luna, ang Napolcom ay may mandato na isulong ang epektibong panga­ngasiwa ng pulisya at tiyakin na ang lahat ng organikong puwersa ng pulisya ay sumusunod sa pinakamataas na pamantayan ng propesyonal na pag-uugali at pananagutan sa publiko. 

Binanggit ni De Luna na nagbibigay rin ng legal na tulong ang mga abogado ng IBP para sa mga kaanak ng mga nawawalang drug suspects na sina Diolito Garay at Aldy Raquion.

“Nagbibigay rin kami ng legal aid services para sa isang retiradong propesor na ninakawan umano ng pitong pulis sa pagkukunwari ng anti-drug operation sa Cavite noong Agosto,” dagdag ni De Luna.

Show comments