MANILA, Philippines — Dulot nang nararanasang pag-ulan, patuloy na nakabukas ang isang gate ng Magat Dam sa pagitan ng Ifugao at Isabela upang maglabas ng tubig.
Ayon sa PAGASA, alas-8 ng umaga, nakabukas ang gate ng 2-meters kaya’t nagluluwa ng 573.89 cubic meters per second (CMS) ng tubig ang naturang dam. Kasalukuyan itong may 190.94-meter reservoir water level (RWL) na mas mababa sa 191.62 meters nitong linggo. Umaabot naman sa normal high water level (NHWL) ang dam sa 193 meters.
Una nang nagpapalabas ng tubig ang Ambuklao at Binga Dam sa Benguet province nitong nagdaang lingo.