Magsasaka tinangay ng agos,nalunod

LUPI,Camarines Sur, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ng search, rescue and retrieval team ang isang magsasaka na tinangay ng malakas na agos sa spillway dahil sa malalakas na buhos ng ulan sanhi ng shearline sa Brgy. San Vicente, Lupi, Camarines Sur umaga noong Miyerkules.

Sa kanugnog ng barangay sa Camarines Norte natagpuan ang bangkay ng biktima na kinilala lamang sa pa­ngalang “Dante”, may-asawa, residente ng Brgy.San Vicente ng naturang bayan.

Sa ulat, alas-9:00 ng gabi nitong bisperas ng Pasko kasama ang ilang kapamilya sakay ng kanilang kalabaw sinubukang tumawid ng biktima sa umaapaw na tubig-baha sa spillway ng kanilang lugar.

Gayunman, bago pa man makatawid ang sinasakyang kalabaw sa lakas ng agos ay tinangay ang biktima ng malakas na ragasa ng tubig.

Sa tulong ng search, rescue and retrieval team ay sinuyod ang kahabaan ng ilog sa magkatabing barangay at natagpuan ang bangkay ng biktima.

Show comments